Sa Instagram post ng newscaster at journalist na si Arnold Clavio, sinabi nito na may utos umano ang gobyerno sa Department of Health (DOH) na tigilan na ang pagbibilang sa mga namamatay dahil sa Covid-19.
Arnold Clavio / Photo credit to PEP
Ayon kay Clavio, sinabi umano ng isang frontliner sa kanya na nagkalat umano sa hallway ng ospital ang mga bangkay.
Dagdag pa nito, nasa 10 umano ang namamatay sa ospital na iyon kada araw dahil sa Covid-19.
Nahawa narin umano ang ilang mga frontliners kaya kailangan raw bilisan ng pamahalaan ang pagtugon dito.
Inihambing din ni Clavio ang Pilipinas sa China.
Aniya, kaya raw dumami ang kaso ng Covid-19 sa China dahil hindi umano totoo ang sinasabi ng kanilang gobyerno.
Narito ang kanyang buong post:
Samantala, sa inilabas na statement ng Department of Health (DOH), itinanggi nila na mayroon silang utos sa mga ospital na itigil na ang pagbibilang sa mga namamatay dahil sa Covid-19.
Lahat umano ng ospital ay mayroong mandato na magreport sa kanila patungkol sa sakit na Covid-19.
"We would like to clarify that DOH has never issued any order to stop the census or reporting of deaths, or any case related to COVID-19 to any health facility. All hospitals and health centers are mandated to report on consultations and/or admissions and the status thereof, that fit the COVID-19 case definitions."
Sa ngayon ay burado na ang post ni Clavio sa kanyang Instagram account.
***
Source: Arnold Clavio | Instagram, DOH
Arnold Clavio should learn about RA 11332.
ReplyDeleteLECHENG CLAVIO YAN!
ReplyDeleteAnay sa BROADCAST INDUSTRY! Dinaig mo pa tsismoso sa kanto mgpakalat ng kwentong walang kwenta! Ngaun pati si FLM sinilipan mo smantalang ikaw wala ng naittulong ngbgay p ng problema. Tulog m na yan!
ReplyDeleteThe Best Slots | Casino Roll
ReplyDeleteThe best slots at Casino Roll. If you febcasino love table games, herzamanindir.com/ to play blackjack, you have to https://access777.com/ bet twice for casino-roll.com the casinosites.one dealer to win. The dealer must