Wednesday, April 8, 2020

Open letter para sa mga “poorest of the poor” mula sa isang middle class

Isang open letter mula sa nahahanay na “middle class” ang viral ngayon sa social media matapos nitong ilabas ang kaniyang opinyon patungkol sa sinabi ng gobyernong uunahin nilang tulungan ang mga tinatawag na “poorest of the poor.”
John Mark Villasis / Photo credit to his Facebook account and CNN Philippines

Sa open letter ng netizen na si John Mark Villasis, sinabi nitong hindi naman siya nagrereklamo sa desisyon ng gobyerno, subalit nakakalungkot umanong isipin na kahit anong tulong ang gawin ng gobyerno sa mga mahihirap, hindi naman nito ginagawa ang kanilang tungkulin bilang mamamayan.

Ayon kay Villasis, ang mga tinatawag na poorest of the poor pa umano ang hindi sumusunod sa ipinapatupad na social distancing. Madalas sila rin ang galit at ayaw manatili sa kanilang mga tahanan.

Aniya, kung sino pa ang mga katulad nilang nasa “middle class” na nagtatrabaho at nagsisikap upang may maipakain sa pamilya at kinakaltasan ng mga tax ang hindi mabibigyan ng tulong.

Sa huli, may pakiusap si Villasis sa mga tinatawag na “poorest of the poor” na gamiting mabuti ang perang itutulong ng gobyerno sa kanila dahil nanggaling umano ito sa paghihirap nila.

Narito ang buong post:

"A middle class letter to the poorest of the poor"

Dear: Poorest of the poor,

Ako ay kasama sa tinatawag na middle class. Nagtatrabaho, nagsisikap para mabigyan ng magandang buhay ang pamilya ko. Kabilang din ako sa apektado sa tigil trabaho na dulot ng covid na to. Kasama sa mga pag naubos na ang leave, wala naring sweldo. Kabilang sa mga nakakaltasan ng gobyerno, pero di kasama sa mga mabibigyan ng sustento. Hindi naman ako nagsesentemyento sa gobyerno na unahin muna kayong mga tinatawag na "poorest of the poor" sa panahong ito. Sabagay sabi nga atleast may kinakain pa naman ako 😔

Nakakalungkot lang isipin na kayong pinipilit ng gobyernong tulungan, kayo pa ang hindi halos tumutulong sa gobyerno. Kayo pa yung mga nakikitang nasa kalsada na parang walang pandemic, na pag pinagsabihang manatili sa bahay kayo pa yung galit. Kayo yung mga nag iinuman sa labas pero walang maipambili ng bigas. Kayo yung mga nag abot abot na ang edad ng mga anak pero di man lang makabili ng gatas. Kayo yung mga umaasa sa tulong pero kahit kelan di naisip maghanap ng trabaho. Kayo yung mga tambay sa kanto na wala na ngang trabaho nakukuha pang magbisyo 🥺

Napag isip isip kong kaming mga "middle class" parang kami pa ang mas masunurin. Kami pa yung mga sumusunod sa physical distancing. Kami yung mga inip na inip na sa loob ng bahay, kami yung mga hindi sanay na maging tambay. Kami yung mas umaasang sana matapos natong lahat. Kami yung kinakailangang bumalik sa trabaho para may makaltasan ng tax 😩

Kung mababasa mo ito my "poorest of the poor" sana malaman mong umaasa ako na isang "middle class" na gamitin mo sa tama yung matatanggap mong ayuda. Yan kasi yung galing sa pawis kong halos sa trabaho na tumira. Sana tigilan mong kaawaan ang sarili mo, nakakaawa talaga kung hindi ka magbabanat ng buto. Sana maisip mong hindi ko kasalanan kung may maganda akong buhay, pinaghirapan ko yan at hindi yan nakuha sa isang pitik lamang. Sana sumunod ka sa gobyerno. Sana rin ikaw ay magbago. Habang may covid manatili ka sa iyong bahay at Huwag mo sanang hayaang maging mahirap ka habambuhay.

Umaasa,
Middle Class
Repost...


***

No comments:

Post a Comment