Monday, April 6, 2020

PANOORIN: Nakakaiyak na paghihiwalay ng magulang at ng batang lalaking nagpositibo sa Covid-19

Laganap sa buong mundo ang sakit na Covid-19 at ito ay nagdulot ng takot sa bawat tao dahil wala itong pinipiling dapuan, bata man o matanda ay walang ligtas.
Photo credit to the owner

Sa bansang Malaysia, viral ang video ng isang batang lalaking sinusundo ng isang ambulansya at medical health worker habang nagpapaalam ito sa kanyang mga magulang.

Ang batang lalaki ay nagpositibo umano sa Covid-19.



Sa video ay makikita ang batang lalaki na nasa tapat ng kanilang gate. At kahit na may suot itong mask ay malalaman mong umiiyak ito habang binubuhat ang mga gamit na dadalhin niya.

Talagang mapapaiyak ka sa tagpong lumabas na ang batang lalaki sa kanilang gate at maririning mong tila may sinasabi ang magulang nito ngunit hindi na ito lumingon at dire-diretso na ang kanyang pagpasok sa loob ng ambulansiya.

Makikita rin sa video ang ama ng batang lalaki na lumapit sa ambulansiya at kumakaway. 

Lumapit narin ang nagvi-video at maririnig ang tila humahagulgol na iyak nito habang kumakaway sa batang lalaki.

Hindi man maintindihan ang kanilang salita, alam natin na ang sinasabi nila ay tulad ng, “Magpagaling ka, magpalakas ka, wag kang matakot, magdasal ka sa Panginoon, mahal na mahal ka namin.”



Sa ngayon ay umabot na sa 77k reactions, 113k shares at 3.4M views ang nasabing video habang sinusulat namin ang kwentong ito.

Panoorin ang buong video sa ibaba:



***

No comments:

Post a Comment