Pinahirapan ng Imus City Social Welfare and Development Office (CSWD) ang isang Person With Disability (PWD) bago nito makuha ang ayudang mula sa gobyerno.
Sa Facebook post ni Roy Moral, sinabi nitong isa siya sa mga makakatanggap ng Social Amelioration Program (SAP) mula sa gobyerno, at dahil PWD siya, ihahatid na lang umano ng DSWD ang pera sa kanilang bahay.
Lumipas na raw ang isang Linggo ay wala pa ring natatanggap na pera si Moral kaya pumunta na ang kanyang asawa sa mismong opisina ng CSWD dala ang mga patunay at dokumento na siya ay isang PWD.
Apat na beses umanong nagpabalik-balik ang asawa ni Moral sa CSWD kasama ang isang konsehal ngunit hindi parin ibinigay ang pera. Kailangan raw ay mismong si Moral ang magtungo sa kanilang opisina upang kunin ang pera.
Sa video na in-upload ni Moral, makikitang pumunta siya sa opisina ng CSWD habang nakahiga sa isang ambulance bed. Nagpasundo si Moral sa ambulansiya upang makarating at makuha ang perang pambili niya ng gamot.
Ani Moral, walang konsiderasyon ang mga kawani ng DSWD sa Imus Cavite.
Narito ang kanyang buong post:
Ako po si Roy Topacio Moral nakatira sa Pob.I-A Imus,Cavite...may kundisyon na Ankilosing. Spondilitis Venus stasis ulcer at operado sa Pistula.kasama po ako sa nabigyan ng pagkakataon makatanggap ng SAP ,kami po dito sa sa PobI-A ang unang nabigyan ng pagkakataon makakuha ng tulong noong April 16,2020 dahil sa ako po at PWD Person with disability ihahatid na lamang daw po sa aming bhay ang tulong galing sa ating gobyerno ngunit linggo na po ang nakalipas walang DSWD na pumunta sa aming bahay nag pabalik-balik na po ang aking asawa dun sa opisina ng DSWD na may dalang authorization letter,Medical Records at iba pang supporting documents.pero ayon sa kanila hindi ito pinapayagan kundi ang physical presence ko at ang depensa nila mag schedule daw sila ng punta dito sa bhay..kailangan ko po ng pera pambili ng gamot kahit pinakita na nmin lahat picture ko na hirap akong kumilos at sinamahan pa ang asawa ko ng konsehal ng baranggay ang sabi Kailangan ako ang pumunta doon para kuhanin ang pera.tama ba ito wala kayong konsiderasyon sa mga katulad nming PWD.kaya ko ito i post para di na maulit pa sa mga kagaya kong PWD.nakatanggap nga po ako ng 6500 pero pinahirapan pa nila ako dapat po b akong mahirapan pa”
Narito ang dalawang video na in-upload ni Moral:
Video 1:
VIdeo 2:
***
Source: Roy Moral | Facebook
No comments:
Post a Comment