Sunday, May 31, 2020

Carlo Aquino on mass testing issue: “Ayoko magbayad ng tax!”

Ipinakita ni Carlo Aquino ang kanyang pagkadismaya dahil wala umanong mass testing na plano ang gobyerno sa ating bansa.
Carlo Aquino / Photo credit: CosmoPh

Sa kanyang Instagram story, sinabi ni Carlo na ayaw  niyang magbayad ng tax dahil wala umanong mass testing.

“Ayoko magbayad ng tax… walang mass testing.” Ito ang reaksyon ni Carlo sa pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi kinokonsidera ng gobyerno ang mass testing sa bansa.




Umani naman ng batikos ang mula sa mga netizens ang post na ito ni Carlo.

“Wala lang mass testing, hindi ka na magbabayad ng Tax?!?!  Hindi lang sa DOH napupunta ang ang binabayad mong tax. And mass testing is not the answer or solution to the problem of Covid-19. Disiplina ang kelangan nyo!” ayon kay @msmarilynlim.

“Mass testing??? Sa MAYAMANG bansa ngá hindi magawa. Kung mka demand kayo kala mó 100% population nagbabayad ng buwis! Tigilan nyo kahibangan nyo. Ang kailangan natin desiplina!” sabi ni @joie_20.

“You should watch the video wherein Harry Roque clarified that and even called out the reporter who misunderstood what he said. There’s no Mass Testing but there’s an Expanded Targeted Testing Program. Wuhan, China is having a Mass Testing because of the 2nd wave but it doesn’t mean they’re doing it to the whole Country. It’s only for Wuhan, they couldn’t afford to do it for the whole China. :)” comment ni @godlxxn.

Matatandaang binatikos si Roque matapos ang kanyang pahayag patungkol sa mass testing. Aniya, ‘expanded targeted testing’ ang ginagawa ng gobyerno at hindi mass testing.

Ipinaliwanag ni Roque na imposible ang magkaroon ng mass testing sa buong bansa na mayroong mahigit 100M na populasyon.

“Mayroon po tayong expanded targeted testing. Siyempre sa simula ay mahina po iyan dahil bago pa lang ang sakit na ito. Bago ang mga teknolohiya at laboratories para i-testing sa sakit na ito. Yes, kakaunti tayo nung nagsimula pero we are aiming for 30,000. Maling-mali po ang report mo na walang kahit anong priority na binibigay ang gobyerno sa testing,” sabi ni Roque.


***
Source: Pinoy Trend

No comments:

Post a Comment