Tuesday, May 19, 2020

Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nakatanggap nga ba ng pera sa pag-endorso kay Mar Roxas noong 2016?

Dahil sa isyung pagsasara ng ABS-CBN network patungkol sa franchise renewal, maraming Kapamilya celebrities ang naglabas ng kanilang mga saloobin at simpatya sa kanilang mother network.
Daniel Padilla, Korina Sanchez, Kathryn Bernardo and Mar Roxas / Photo credit: PEP

Ilan sa mga celebrities na nagsalita ay ang magkasintahang Daniel Padilla at Kathryn Bernado.

Dahil sa ginawang pagtatanggol ng magkasintahan sa ABS-CBN, umani sila ng batikos sa mga netizens na suportado ang pagsasara ng kanilang network.



May mga ilang netizens ang nag-ungkat sa isyung nakatanggap umano sina Daniel at Kathryn ng 20 million noong 2016 sa pag-eendorso kay presidential candidate Mar Roxas.

Sa isang article ng PEP, pinabulaanan ni Roxas ang tungkol sa isyung ito.

Sabi ni Roxas sa isang panayam, talagang naniniwala ang dalawang Kapamilya stars sa kanyang mga adbokasiya kaya pinili nilang iendorso ang kandidatura niya sa pagka-pangulo sa 2016 elections.

Samantala, sa “Most Wanted” column ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin, sinabi nitong P20 million daw ang naging kabayaran kay Kathryn at mas mahigit pa rito ang natanggap ni Daniel.

Dagdag ni Fermin, nakausap niya ang aktres na si Gladys Reyes, tulad ni Kathryn, siya ay isa ring miyembro ng Iglesia ni Cristo (INC).

Ayon kay Fermin, wala raw naging sagot si Gladys kung may alam ba siya sa pag-eendorso ni Kathryn kay Roxas.



Dagdag namang opinyon ni Cristy: “Sa abot ng aming kamalayan, ang alam namin ay ang mga tagapamuno ng INC ang nagdedesisyon kung sinu-sinong pulitiko ang kanilang dadalhin, nililigawan talaga sila ng lahat ng partido dahil ang nagkakaisang boto ng mga miyembro ng INC ay napakalaking tulong kundi man sila talaga ang nakapagpapanalo sa kandidato.”

Hindi raw yun parehas sa ibang mga personalidad na kinukuha ring endorser ng ibang mga pulitiko, pero sumusunod sa alituntunin ng kanilang relihiyon, kaya tumatanggi sila.”

Samantala, sa video na may pamagat na "KathNiel on Bakit si Mar,” Ipinaliwanag nina Daniel at Kathryn kung bakit nila iniendorso ang kandidatura ni Roxas.

Sabi ni Kathryn sa video, si Roxas ang napili niya dahil pinapahalagan nito ang edukasyon. 

Sabi naman ni Daniel, pinili niya si Roxas dahil diretso itong sumagot sa mga isyu at hindi nambobola.

Narito ang video ng KathNiel:



***
Source: PEP

No comments:

Post a Comment