Monday, May 18, 2020

Karla Estrada ipinagtanggol sina Daniel at Kathryn kay Banat By

Sa kanyang Instagram account ay ipinagtanggol ni Karla Estrada ang kanyang anak na si Daniel Padilla at kasintahan nitong si Kathryn Bernardo mula sa mga banat ng Vlogger na si Byron Cristobal o mas kilala bilang Banat By.
Karla Estrada, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla and Banat By / Photo credit to the owner

“Sila ang dalawa sa pinakakamamahal kong tao sa buong mundo. Bilang momshie nila gagawin ko ang lahat para protektahan sila.”

Ito ang sagot ni Karla mula sa isang vlog ni Banat By kung saan binanatan niya ang mga sinabi at opinyon nina Daniel at Kathryn patungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN.



Pinangunahan naman ni Karla sa Twitter ang hashtag #WeBlockAsOne upang kondenahin ang vlog ni Banat By.

Sinuportahan naman ito ng libo-libong fans ng KanthNiel.

Narito ang buong post ni Momshie Karla:

“Sila ang dalawa sa pinakakamamahal kong tao sa buong mundo. Bilang momshie nila gagawin ko ang lahat para protektahan sila. Siguraduhing maging masaya sila at magkaroon ng magandang kinabukasan. Feeling ko naman deserve nila Dj and Kath yun kasi nagtatrabaho silang mabuti at tumutulong sa pamilya sa abot ng kanilang makakaya. At kung may gusto po silang sabihin tungkol sa nangyayari sa ating lipunan, respetuhin po natin sila. Kahit hindi na bilang mga artista kundi bilang kapwa natin Pilipino. Maraming bagay ang walang katiyakan. Ang sa akin lang mga momshies ngayon higit kailanman, magkaisa tayo. Labanan natin ang krisis ng iisa. Kapit kapit po tayo para sabay sabay nating malampasan ang krisis at kahit papaano, masiguro na maganda ang kinabukasan ng ating mga anak.”


View this post on Instagram

Sila ang dalawa sa pinakakamamahal kong tao sa buong mundo. Bilang momshie nila gagawin ko ang lahat para protektahan sila. Siguraduhing maging masaya sila at magkaroon ng magandang kinabukasan. Feeling ko naman deserve nila Dj and Kath yun kasi nagtatrabaho silang mabuti at tumutulong sa pamilya sa abot ng kanilang makakaya. At kung may gusto po silang sabihin tungkol sa nangyayari sa ating lipunan, respetuhin po natin sila. Kahit hindi na bilang mga artista kundi bilang kapwa natin Pilipino. Maraming bagay ang walang katiyakan. Ang sa akin lang mga momshies ngayon higit kailanman, magkaisa tayo. Labanan natin ang krisis ng iisa. Kapit kapit po tayo para sabay sabay nating malampasan ang krisis at kahit papaano, masiguro na maganda ang kinabukasan ng ating mga anak.🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻🙏🏻
A post shared by KARLA ESTRADA (@karlaestrada1121) on



***

No comments:

Post a Comment