Nagsalita na si Pastor Apollo Quiboloy patungkol sa naging hamon sa kanya noon ni Vice Ganda na pahintuin ang traffic sa EDSA at ang pagpapalabas sa “Ang Probinsyano.”
Pastor Apollo Quiboloy and Vice Ganda / Photo credits: PEP
Sa kanyang programang Sonshine Media International Network, ipinaalala ni Quiboloy kay Vice ang hamon nito sa kanya noon.
"Nalulungkot ka, Vice, nalulungkot ka sapagkat hindi mo mapigilang umiyak dahil wala na yung mga programa niyo? Alalahanin mo, naghamon ka, hinamon mo ako noon. Ang saya-saya niyo noon. Naghahalakhakan kayo.” sabi ni Quiboloy.
"Meron pang isang kasamahan mo na lalaki, pati ngala-ngala niya, nakita ko sa katatawa, e. Halos mabali ang leeg niya." dagdag nito.
Ayon kay Quiboloy, ang pinagdaraanan umano ngayon ng network nina Vice Ganda ay isang “hustisya” mula sa Diyos.
“Iyan ang sinabi ko sa inyo, ang kayabangan, nakikita ng Diyos ‘yan. Kapag binigyan kayo ng pabor sa buhay, huwag kayong ganoon. O ngayon, nakita mo na, may Diyos sa langit, tapos nakita mo na Siya ang tumitimbang sa lahat ng mga tao dito sa lupa kung ano ang ginagawa nila.”
“Hustisya ang Diyos, Vice Ganda, hustisya. Siguro sa iba, naloloko mo, niloloko mo, pinagtatawanan mo, e, wala naman kinalaman sa Diyos sila.”
"Nakakaligtas ka doon, pero binibilang din ng Diyos ‘yon. Pang-aapi ‘yon. Pagkatapos isinama mo pa ako. Ngayon, napatunayan mo na meron akong Diyos na nagpadala sa akin."
Dagdag ni Quiboloy, ang pagpapahinto sa “Ang Probinsyano” at pagpapatigil ng traffic sa EDSA ay "prophecy" na nanggaling na rin kay Vice.
"Kasi yung lahat ng pinagsasabi mo, puro imposible.”
"'Sige nga, Quiboloy, punta ka sa EDSA, pahintuin mo ang traffic. Sige nga, Quiboloy, pahintuin mo ang Probinsyano. Abangan…si Quiboloy lang ang makakapagpahinto sa Probinsyano.'"
"Nag-prophesize ka, Vice. O ngayon, wala na yung programa mo, wala na yung network mo. Malinis na ang EDSA.”
"Dapat masaya ka sapagkat natupad ang lahat ng hamon na ginawa mo."
Ikinuwento pa ni Quiboloy ang nangyari sa isang karakter sa Bibliya na si Nebuchadnezzar na naging mapagmataas at nawalan ng bait.
Ayon sa Bibliya, pitong taong kumakain ng damo si Nebuchadnezzar dahil hindi niya kinilala ang kapangyarihan ng Diyos.
"Ngayon, ako ang nagso-showtime, di ba? Ako ang nagso-showtime. Pero tingnan mo, sa kinamalasan na tinanggap mo, hindi ako tumatawa.”
"Pinamumukha ko lang sa 'yo na sa susunod, kung ibabalik ka sa ganoong estado ng buhay, tulad ni Nebuchadnezzar, nagmayabang, ‘Di ba, ako si Nebuchadnezzar, ang gumawa ng lahat ng ito sa Babylonia?’”
"Habang nagsasalita siya, narinig ng Diyos ang boses niya, pinadalhan kaagad siya ng anghel, ginawa siyang buang."
Pinuna rin ni Quiboloy ang pananamit ni Vice Ganda na kung tutuusin ay nakakatawa umano.
"E, ikaw sa pagkatao mo, kung ako magtatawa sa 'yo... tingnan mo yung ayos mo, Vice.
"Tingnan mo, tingnan mo yung ayos mo. Ito, ipamumukha ko lang sa 'yo ang sarili mo. Hindi ako nagsasalita nang ganito. Nung ikaw nagso-show, kinukutya mo si Jessica Soho, nakita mo ba ang ayos mo doon? Nakita mo?”
"Yung bukol ng harap mo [dibdib], hindi naman totoo 'yon, kasi lalake ka, e. Tapos yung ano mo, yung panty mo, para kang si Wonder Woman. Ikaw ang nakakatawa.”
"Yung mukha mo ang nakakatawa, pero pinagtawanan ba kita? Sinabi ko ba na, 'Tingnan mo itong baklang ito, katawa-tawa yung kanyang ano…' Walang ganoon. Pero ikaw, dapat pagtawanan mo muna yung sarili mo, pero hindi ko pinagtatawanan."
"Ngayon, naniniwala ka na, karma is real. O, bumalik sa 'yo, di ba, at ngayon, umiiyak ka. O, bakit hindi kayo humahalakhak?
"Nasaan na yung pati ngala-ngala niya, nakita kong humahalakhak, kasama din nung mataba din na babae na parang maskara ang mukha dahil sa make-up?"
"Nagkamali ka ng pinakialaman, Vice.
"Akala mo, makapangyarihan na kayo noon. Ang ABS-CBN kasi, kapag narinig, para bang Diyos. Kailangan lahat tumabi kayo lahat kasi nandito na kami."
Nag-iwan si Quiboloy ng tinatawag niyang pangaral.
"Ang kinatatakutan ko dito, Vice, isa lang—ang Diyos lang. Tuturuan kita, ganoon ang gawin mo.
"Kapag binigyan kayo ng pabor ng Diyos, pabor na maging tanyag, pabor na maging mayaman, huwag kayong mangutya ng kapwa niyo tao. Ginawa rin ng Diyos ‘yan sa kanyang mukha. Gamitin niyo sa kabutihan. Ngayon, umiiyak ka, e, noon humahalakhak ka..."
Tandang-tanda pa raw ni Quiboloy ang suot ni Vice Ganda noong hamunin siya nito sa It's Showtime.
"Alam ko pa yung sinusuot mo, nile green na Amerikanang over-sized sa 'yo, tapos tawa kayo nang tawa. E, ngayon, ang Diyos ang nagtatawa sa 'yo.”
"Bakit ka umiiyak ngayon at nalulungkot? Tanungin mo ang sarili mo."
"Yun ang dahilan, Vice, yun ang dahilan para patotohanan lang ng Diyos sa 'yo, si Pastor Apollo Quiboloy ay hindi pumunta rito sa kanyang sarili lang.”
"Lesson ‘yan. I hope that you learned your lesson.”
Matatandaang tinawag na “mayabang” ni Vice Ganda si Quiboloy noon dahil sinabi nitong pinahinto niya ang malakas na lindol sa North Cotobato noong October 31, 2019.
Dito narin hinamon ni Vice Ganda si Quiboloy na pahintuin ang traffic sa EDSA at ang pag-ere ng “Ang Probinsyano.
***
Source: PEP
Iwasn ang pagiging mapangapi at mpagmataas dhil hindi hbang buhay ikaw ay ns itaas babagsak k din tulad ng ibang mapangapi.kung maaring tumulong eh tumulong n lng kung ayaw eh mnhimik n lng wag ng manlait ng ibah.
ReplyDelete