Monday, May 25, 2020

NBI ibinunyag ang mga totoong impormasyon patungkol kay Francis Leo Marcos

Ibinunyag ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga nakakagulat na impormasyon patungkol kay self-proclaimed businessman na si Norman Mangusin, o mas kilala bilang Francis Leo Marcos.
Francis Leo Marcos / Photo credit: Politiko

Sa isang interview ni Erwin Tulfo kay NBI Cybercrime Division Chief Vic Lorenzo, sinabi nito na binigyan nila ng pagkakataon si Mangusin na magpakita ng mga dokumento na magpapatunay ng kanyang mga pag-aari o business, ngunit wala umano itong naipakita.

“Kahit yung DTI man lang wala siyang mai-present sa amin sir,” sabi ni Lorenzo.



Dagdag ni Lorenzo, hindi pag-aari ni Mangusin ang mga properties na ipinapakita niya sa kanyang Facebook live videos. Maging ang subdivision sa Green Meadows at mga magagarang sasakyan na kanyang ginagamit ay hindi sa kanya.

“Vinerify namin, hindi naman sa kanya ‘yun, in fact hindi siya ‘yung umuupa doon, tapos ‘yung sinasabi niya na bahay niya, yung pinapakita niya sa social media, hindi sa kanya ‘yung sa Quezon City,” saad ni Lorenzo.

“Yung mga sasakyan hindi sa kanya, pati yung office na ginagamit hindi rin sa kanya, hindi sa negosyo niya, hindi under his name,” dagdag nito.

Una ng kumalat sa social media ang usap-usapang hindi si Mangusin ang may-ari ng mga properties na kanyang ipinagyayabang sa kanyang Facebook live videos. Ayon sa mga netizens, isang Filipino-Chinese businessman umano ang totoong may-ari ng mga ipinapakitang ari-arian ni Mangusin.

Ayon sa NBI, bukod sa Optometry Law, Human Trafficking at RA9262, si Mangusin ay haharap din sa mga kasong paggamit ng fake passport, inciting to sedition, falsification of documents, at using of bouncing checks.



Dagdag ni Lorenzo, nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) upang alamin kung papaano nakakuha ng passport si Mangusin gamit ang pangalang Francis Leo Marcos.

“Pag nag apply ka for passport falsified documents, specific provision doon sa passport law na you are violating it,” sabi ni Lorenzo.

Ibinunyag din ni Lorenzo na may mga taong gustong magsampa ng kasong estafa at ‘using a bouncing check’ laban kay Mangusin.

Isa sa mga magsasampa ng kaso ang nagsabing aabot umano sa 7 million pesos ang utang ni Mangusin sa kanya.



Ayon kay Lorenzo, kung aabot sa lima o higit pa ang magkakaso ng estafa kay Mangusin ay haharap umano ito sa non-bailable na kaso.

Napag-alaman din ng NBI na may mga kaso ring isinampa laban sa isang Lorenzo Mangusin sa pagitan ng taong 2014-2015, at sa tingin nila ay kay Norman Mangusin din ang mga kasong ito.

Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag sa kampo ni Mangusin.




***
Source: Pinoy Trend

No comments:

Post a Comment