Wednesday, June 10, 2020

BB Gandanghari tinawag na 'bangaw' at bobita si Vice Ganda

Sa kanyang Youtube Channel, nagsalita na si BB Gandanghari patungkol sa naging komento ni Vice Ganda sa kanya noong iwanan niya ang dating identity bilang Rustom Padilla.
BB Gandanghari and Vice Ganda / Photo credit to the owner

Noong 2009 ay hiningan ng opinyon sina Vice Ganda at beauty expert Ricky Reyes sa transformation ni BB. Parehong hindi sang-ayon ang dalawa sa bagong identity ni Rustom.

“Super love ko ‘yung Rustom–‘yung buhay na Rustom bago pa pinatay. Hindi siya proud na bading siya, si Rustom nag-bakla, pero hindi na kasi siya si Rustom e; siya si BB na babae,” saad ni ni Vice sa ulat ng TV Patrol.



Nag-modeling school sa New York yata. Bakit, magmomodela? Ngayon siya magmomodela, e nasa 40s [na siya]! Parang medyo may edad na. Hindi naman pangit si BB noh, although may kabaduyan. Feeling ko, mahal yung mga sinuot. Na-mismatch lang.”

“Mas maganda siguro kung poginghari o gandangreyna,” wika niya pa noon.

Ngayon ay napagdesisyunan ni BB na panahon na para magsalita ukol sa aniya’y “bashes na tinanggap ko [mula sa] mga plastikadang tao.”

“There’s a time to be quiet, and there’s a time to speak. And I think, it’s time to speak … ‘Yan ‘yung mga sinasabi ko noon na tinatanggap ng isang indibidwal na kagaya ko, who happens to be transgender, and unfortunately it is coming from the LGBTQ community!,” sabi ni BB.

“E kung babalikan n’yo ‘yung panahon na ‘yan, hindi pa siya Vice Ganda niyan. Sumasakay, kasi ito yung panahon na ang balita, ang sensation noon si BB Gandanghari. ‘Yan ‘yung sumasakay, at gumamit ng mga hurtful words. Walang pinagkaiba sa mga haters, sa mga trollers. Isa naman siya dun, doon siya nanggaling, ‘yun ang ikinasikat niya. Ako ang itinroll niya, at ngayon, magmamaganda!”



“The nerve! The nerve from the LGBTQ community. Ayaw mong tanggapin pagkababae ko? Kukuwestiyunin mo? Walang sense! Maswerte ka, sumikat ka, dahil bobita ka!”

Dagdag pa ni BB, isa umanong “bangaw” si Vice Ganda.

“Ta’s ‘yung isa, love daw niya si Rustom. Care ko naman kung love mo si Rustom? E fan ka. Okay fan ka, but does that mean [na] meron kang opinyon kay Rustom?”

“Sa’n ka ba lumaki? ‘Rastom’ talaga, ‘Rastom’? Sosyal!,” ironic niya pang sey sabay tawa.

“Pwede naman manahimik, e tingnan n’yo naman: nagpa-interview pa sa TV Patrol para i-bash lang ako. Ka-cheap-an! Para sumikat, e in fair, sumikat naman siya.”

“Isang malaking bangaw. ‘Di ba, may isang sumikat na bangaw? Imagine ninyo, ang Pilipinas, ganun na bumaba ang integridad ng pag-aartista sa Pilipinas, bangaw talaga ‘yung sumikat.”

“Sumakay sa BB Gandanghari, tapos pinagkaisahan na ako ng istasyon para mai-push siya [Vice] nang bonggang-bongga,” dagdag pa ni BB.

Samantala, dati ng humingi ng paumanhin si Vice Ganda kay BB.



“Unang-una hindi rin naman ako kilala ni Madam Ricky din. Hindi kami nag-uusap. As for myself, reaction ko ‘yung personal pero hindi ako nag-react para awayin si Bebe. Walang gan’on. Hindi ko inaaway si Bebe. Hindi rin naman ako inaaway ni Bebe. Wala siyang atraso sa akin. Hiningan lang ako ng reaction kaya nag-react ako… had I known na ma-o-offend siya, hindi na rin sana ako nagsalita,” sabi ni Vice Ganda.

“At since na-offend siya, nag-a-apologize ako… Nag-react lang ako bilang fan ni Rustom,” saad nito sa isang interview sa SNN: Showbiz News Ngayon.

Samantala, tinawag niya ring “hipokrita” si Mother Ricky at hinamon na “tumingin ka sa salamin at tingnan mo ngayon sino ang mukhang unggoy sa’ting dalawa.”


***
Source: Abante

1 comment:

  1. Hoy Boboong Carlo Aquino tang Ina ka wlang nagsasabi sayo na magbayad ka ng buwis potang adik ka xmpre nagtratrabaho ka obligado Kang bawasan ng tax... Bkit saan kumpanya kba nagtratrabaho kahit sa Abscbn kpa... Batas Yan hindi ikaw ang masusunod boboo niyo tlga mga artista hindi nman lahat ang iba nman ei malawak ang pagkaka intindi..

    ReplyDelete