Idinaan ni Lolit Solis sa Instagram ang kanyang opinyon sa pagitan ng word war nina Frankie Pangilinan at Ben Tulfo patungkol sa victim blaming.
Lolit Solis, Frankie Pangilinan, Ben Tulfo / Photo credits: Pinterest, ABS-CBN, Rappler
Nagsimula ang isyu ng batikusin ni Frankie ang post sa Facebook page ng Quezon Province na nagsasabi sa mga kababaihan na huwag magsuot ng shorts upang maiwasan ang pambabastos.
Ani Frankie, dapat raw ay mga kalalakihan ang turuang huwag mangharass ng kababaihan kahit na ano man ang suot nila.
Nag-react naman si Ben Tulfo sa pahayag ni Frankie at sinabing ang pagsusuot ng maiiksing kasuotan ay nag-aattract sa mga lalaki na gumawa ng masama.
Dito na binatikos ni Frankie si Ben.
Ayon naman kay Manay Lolit Solis, mabuti raw na alam ng mga kabataan ang iba’t ibang isyu sa ating bansa ngunit sana raw ay manatili parin ang pagrespeto sa mga mas nakakatanda sa kanila.
Narito ang kanyang buong post:
“Bongga mga kabataan natin ngayon Salve ha. Like si Frankie Pangilinan na anak nila Sharon at Kiko Pangilinan. Wow ang mga dialogues nila ni Ben Tulfo... “Magaling na open ang pagsali ng mga youngster ngayon sa mga relevant issues, patunay na nasusundan nila ang mga nangyayari sa paligid. “Nasasabi nila ang nasa loob nila , open sila sa discussion, pero sana alam din nila ang mga parameters, mga bagay na dapat muna nila aralin mabuti bago makipag-sagutan. “Puwede hindi kayo pareho ng idea , puwede hindi mo gawin , pero dapat lang irespeto mo iyon sinasabi ng mas matanda sa iyo. Hindi din maganda na masyado kang open sa diskusyon , kasi nga sabi nila , hindi parin puwede tawaran ang wisdom ng mas matanda sa iyo. “Ok lang , at least i voice out mo iyon panig mo , pero maintain mo iyon respect mo sa mas matanda sa iyo. Bongga mga kabataan ngayon , mas expressive sila. I think mas maganda, iyon nga lang maintain nila iyon respect for the elders.”
***
Source: KAMI
No comments:
Post a Comment