Friday, June 5, 2020

Kapuso aktres Lauren Young tinawag na "bobo" si DJ Loonyo

Hindi nakaligtas sa masakit na salita si DJ Loonyo mula sa Kapuso aktres na si Lauren Young matapos kumalat ang isa nanamang video ni Loonyo patungkol sa paggamit ng facemask.
Lauren Young and DJ Loonyo / Photo credit: PEP and Inquirer

Sa bagong video na in-upload ng netizen na si Nico David, sinabi si Loonyo na ang pagsusuot ng facemask sa mahabang oras ay parang pag-iinhale ng lason na nakakapagpahina umano ng immune system.

Sang-ayon ako doon na the more you wear the mask na nakaganoon parati, kumbaga ini-inhale mo yung sarili mong utot,” sabi ni Loonyo. 



Kaya mo nga nilalabas ’yon eh. Kaya mo nga nilalabas ’yon kasi hindi kailangan ng katawan mo ’yon. Kailangan mo ng oxygen,” dagdag nito.

Ngayon, ang iniinhale mo, yung parang ano ’yung poison ’yung iniinhale mo sa katawan mo, and it makes your immune system weak.” sabi ni Loonyo.

Paliwanag ni Loonyo, hindi raw siya against sa pagsusuot ng facemask ngunit dapat raw ay limitahan ang paggamit nito.

We’re not against the mask. We are saying na sa haba ng panahon na kakasuot mo ng mask, iniinhale mo ’yung sarili mong utot. So, if I were you, ibaba mo siya, or ipapahinga mo ’yung sarili mo. Uminhale ka ng tama. Hindi tayo against sa mask. Ang sa atin lang, ire-reduce mo lang ’yong kaka-wear mo ng kaka-wear kasi iniinhale mo ’yong sarili mong utot,” sabi ni Loonyo.

Samantala, sa kanyang Twitter account, tinawag na “bobo” ni Lauren Young ang internet dancing sensation na si DJ Loonyo.



Omg i just saw this!! Ang bobo sh*t ang bobo. Flatearther ka rin ba koyah??” Tweet ng aktres.


Dagdag pa ng aktres, gusto lang daw magmukhang matalino ni Loonyo.

May mga netizens namang nagulat sa ugaling ipinakita ni Lauren. 



***
Source: Latest Chika

1 comment: