Monday, July 20, 2020

Batang nagsauli ng napulot na wallet noon, nagtapos ng elementary sa isang pribadong paaralan

Natatandaan niyo ba si Andrey Macabuhay? Siya yung batang nag-viral noong 2017 matapos magbalik ng napulot niyang wallet na may lamang P7,000.
Andrey Macabuhay / Photo from News5

Matapos kumalat sa social media ang kabutihang loob ni Andrey, maraming tumulong sa kanya para makapag-aral. Ngayon ay nakapagtapos na siya ng elementarya sa isa pribadong paaralan.

Si Andrey ang dating parking lot boy sa isang fastfood chain sa Bulacan.

Nakakatuwa na ngayon ay abot kamay na ni Andrey ang kanyang mga pangarap. 

Narito naman ang Facebook post noong 2017:

“Guys! Eto po yung batang honest na nagsauli ng napulot nyang wallet na may lamang 7k. sya si Andre Macabuhay 13 years old, nag sa-sideline sya bilang parking lot boy sa Mcdo, dahil sa katapatang ipinamalas nya binigyan sya ng parangal at scholarship worth 400k mula elementary hanggang college, Libreng uniform, mga gamit at allowance, binigyan din ang nanay nya ng Puhunan sa pagtitinda.. eto ang patunay na kung ano ang ginawa mong kabutihan sa kapwa ay doble pa ang babalik sa'yo.. Saludo kami sayo Andrey Macabuhay, mabuhay ka!”




***
Source: News5 / Hanep TV

No comments:

Post a Comment