Monday, July 20, 2020

Christine Babao tinawag na "Mga Demonyo" sina Marcoleta, Remulla at Defensor

Sa kanyang Twitter account, tinawag na “Mga Demonyo” ni Christine Bersola-Babao sina House Representatives Mike Defensor, Jesus Remulla, at Deputy Speaker Rodante Marcoleta.
Christine Bersola-Babao / Photo credit: Philippine Star

Unang i-shinare ng screenwriter na si Miguel Sevilla ang video clip mula sa Zoom kung saan nag-uusap ang mga kongresista.

I-shinare din ni Christine ang video clip kasabay ng Tweet niyang “Mga Demonyo.

Si Christine ay dating empleyado ng ABS-CBN at ang asawa ng Bandila news anchor na si Julius Babao.

Isa si Julius sa mga empleyado ng ABS-CBN na nawalan ng programa at trabaho dahil sa pagsasara ng Kapamilya network.

Bukod sa pagtawag ng demonyo sa mga kongresista, nag-tweet din si Christine ng “NAKAKASUKA KAYO" sa video ng mga kongresista.


***
Source: PEP

No comments:

Post a Comment