Monday, July 20, 2020

Angel Locsin nagpasalamat sa pagsasalita ni Sarah Geronimo patungkol sa ABS-CBN

Nagsalita narin ang aktres at PopStar Royalty na si Sarah Geronimo patungkol sa pagsasara ng ABS-CBN Network.
Angel Locsin and Sarah Geronimo / Photo credit: ABS-CBN and MSN

Kahapon, Linggo, naglabas ng pahayag sa kanyang Instagram account si Sarah kung saan ipinapakita nito ang kanyang pakikiisa sa mga kapwa artista at mga empleyado ng Kapamilya Network.

“Bagama’t napakasakit po na matanggihan, patuloy pa rin kaming sumasamo, nakikiusap at umaapila, nagdadasal para sa aming hangarin na mabigyan muli ang aming minamahal na ABS-CBN family ng isa pang pagkakataon,” sabi ni Sarah.



Aniya, kaisa siya ng mga katrabahong gustong mabigyan ng isa pang pagkakataon ang ABS-CBN.

“Nakikiisa po ako sa kanilang apila na muling makabalik sa trabaho upang patuloy na makapagbigay serbisyo para sa kani-kanilang mga pamilya at para sa bansa,” sabi niya.

“Ako po si Sarah Geronimo, di lamang artista, isa ring mamayang Pilipino na umaapila para sa mga labi na apektado ng COVID19. Magtulongan po tayo, wag po tayo magwatak-watak. Ituon po natin ang ating pansin at pokus sa ating mga kababayan na sugatan at pasigaw ang humihingi ng saklolo dahil sa pagod, sakit, at pagdadalamhati,” dagdag ni Sarah.

Ang statement ni Sarah ay nangyari matapos hikayating magsalita ni Angel Locsin ang mga kapwa artista na nananahimik sa isyu ng ABS-CBN. 



“Sa mga kapwa kong artista na di nagsasalita, ano, may career pa ba kayo? Wala na! Wala na kayong network! Kahit magpa-cute kayo dyan sa Instagram, mag-send kayo ng mga sad face, hindi niyo nadadamayan ang mga katrabaho niyo na dahilan kung bakit kayo sumikat,” sabi ni Angel.

Samantala, itinanggi naman ni Angel na si Sarah ang kanyang pinapatamaan sa kanyang naging pahayag. 

“Nagsalita si Sarah 🙂 iniisip ng tao pinaparinggan ko sya, pero hindi eh. I know how ‘pure’ she is. Wala siyang social media, alam rin natin hindi sya vocal sa maraming bagay bilang ang bait. Pero nag salita sya. At nakakatuwa yun,” sabi ni Angel.

Sa kanyang Instagram, nagpasalamat si Angel kay Sarah.

“Thank you, Sarah G❤️ Mahal kita,” sabi ni Angel.


***
Source: LatestChika

No comments:

Post a Comment