Tuesday, July 21, 2020

Angel Locsin tila pinasaringan si Jane de Leon matapos ang naging pahayag nito

Angel Locsin and Jane de Leon / Photo credit: PEP and MSN

Tila pinasaringan ng aktres na si Angel Locsin ang bagong Darna na si Jane de Leon sa kanyang Instagram story.

Hindi pinangalanan ni Angel kung sino ang binabanggit nito sa kanyang post ngunit maraming netizen ang nakapansin at nagsasabing si Jane de Leon ang pinatatamaan ng aktres.



Narito ang buong IG story ni Angel:

“No one asked you to go to a rally. Obviously, you don’t need to go out to use your voice for the voiceless. But making up an excuse to save face at the expense of those who are fighting for their lives is purely disgusting.”

Sa inilabas namang statement ni Jane sa kanyang Instagram, sinabi nitong may iba-ibang approach ang mga tao sa bawat problema. Aniya, masakit din sa kanya ang nangyari sa Kapamilya network pero hindi dapat kalimutan na may banta pa rin ang “invisible enemy”, na COVID-19.

“Masakit po sa akin ang nangyari sa ABS-CBN dahil pangalawang tahanan ko na rin po ito na siyang nagbigay sa akin ng mga opportunities to gradually reach my goals in life, na unti-unting nagpabago sa buhay ko at ng aking pamilya. And I will forever be thankful sa ABS-CBN and its Management.

“However, let us not forget that in the bigger picture, we are still at risk because we all have an invisible enemy to deal with. Our health and that of our loved ones are at stake. As the COVID infection rate in our country continues to rise, hospitals and facilities are nearing, if not reached, full capacity,” paliwanag ng bagong Darna.

Sabi ni Jane, maraming paraan upang maipakita ang pagsuporta sa ABS. 

“We can show our support in many ways. Let us not be judgmental and imposing on what others should do according to personal standards and beliefs,” sabi ni Jane.



***

No comments:

Post a Comment