Thursday, July 23, 2020

Si Angel Locsin nga ba ang sinabihan ni Matteo Guidicelli ng "MANAHIMIK" na lang?

MANAHIMIK ka na lang kung wala kang sasabihing maganda.

Yan ang sinabi ni Kapamilya singer-aktor na si Matteo Guidicelli sa kanyang Instagram Stories na pinaniniwalaang sagot niya sa panawagan ni Angel Locsin sa mga kapwa artistang nananahimik patungkol sa isyu ng ABS-CBN.
Matteo Guidicelli, Sarah Geronimo and Angel Locsin / Photo credit: CNN Philippines and Yahoo Philippines

Para kay Matteo, mas okay ang manahimik kung alam niyang hindi naman makabubuti ang mga salitang sasabihin niya.

Ipinost ni Matteo ang isang quote card sa kanyang IG stories na tila sagot niya sa patutsada ni Angel.

Speak only when you feel that your words are better than your silence."

Kamakailan, nag-viral ang panawagan ni Angel sa mga kapwa Kapamilya stars na ayaw magsalita at manindigan para sa ABS-CBN.



“At sa mga kapwa kong artista na hindi nagsasalita, tatahimik pa ba kayo? Wala na kayong network!” galit na sabi ni Angel.

Kahit magpa-cute kayo sa Instagram, kahit mag-send kayo ng sad face. Hindi ninyo nadadamayan ang mga katrabaho ninyo na dahilan kung bakit kayo sumikat! Huwag kayong matakot! Wala na kayong proprotektahan na career or image! Nandito na tayo sa panahon na kailangan ninyo magsalita!” ani Angel.

Samantala, kinabukasan matapos ang panawagan ni Angel, naglabas ng official statement si Sarah Geronimo.

“Mahal ko po ang aking ABS-CBN family. Mahalaga po sa akin ang bawat empleyado na labis na nagdadalamhati ngayon dahil sa kawalan ng trabaho.

“Nakikiisa po ako sa kanilang apila na muling makabalik sa trabaho upang patuloy na makapagbigay serbisyo para sa kani kanilang mga pamilya at para sa bansa,” bahagi ng pahayag ng Popstar Royalty.



***
Source: Bandera

No comments:

Post a Comment