Tuesday, July 7, 2020

Glaiza de Castro nagpahayag ng suporta sa ABS-CBN: Laban to ng mga Pilipino

Patuloy parin ang pagdinig patungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN network sa Congreso at marami ng celebrities ang nagpahayag ng kanilang suporta upang muling magbalik telebisyon ang Kapamilya network.
Glaiza de Castro / Photo credit to the owner

Isa sa mga nagpakita ng kanyang pagsuporta ay ang GMA Kapuso aktres na si Glaiza de Castro.

Sa kanyang Twitter, ipinahayag ni Glaiza ang pagsuporta sa ABS-CBN.



Hindi na ito labanan ng istasyon, laban [‘to] ng mga Pilipino. Lahat tayo apektado. Dasal, kapit, akap,” tweet ni Glaiza.


Ang agenda ng hearing kahapon ay patungkol sa pagiging “political bias” umano ng nasabing network partikular na sa hindi nito pag-ere ng campaign ads ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016.

Ayon kay CEO and President, Carlo Katigbak, ang pag-ere umano ng campaign ads ng ABS-CBN ay “first come first served”.

Noong May 4 nag expired ang franchise ng ABS-CBN at patuloy parin ang pagdinig patungkol sa renewal nito.


***
Source: Inquirer

1 comment:

  1. Nakakasuka na mga abs cbn talents🤮🤮🤮🤮Lagi sinasabi laban nag pilipino ang laban nilang mapaglabag sa batas. Kayo nalang po ang manindigan sa mga violations nag istasyon nyong bulok. Huwag nyo na idamay ang Sambayanang PILIPINO. Abscbn deserves #ABSCBNSHUTDOWNFOREVER.. P.S.. huwag naman araw-arawin ang katangahan at kadramahan sa newsfeed namin uy😅

    ReplyDelete