Tuesday, July 7, 2020

Isa sa mga suspek sa pagpatay kay Jang Lucero naaresto dahil sa kanyang tattoo

Naaresto na ang isa sa mga kasabwat at maaaring mastermind sa pagpatay kay Jang Lucero, ang lady driver na pinagsasaksak ng mahigit 50 beses.
Photo credit: Pinoy Trend

Inaresto ng Calamba policemen si Ann Shiela Montes Belarmino, ex-girlfriend umano ng karelasyon ni Jang.

Naging susi sa pagkaka-aresto kay Belarmino ang tattoo nito sa likod na nakita ng Calamba policemen sa CCTV at social media account ng suspek.



Ayon sa ulat ng GMA News, si Belarmino ay isa sa mga taong nakita sa CCTV footage bago mapatay si Jang.

"Si Anne ay allegedly may konting selos dun sa biktima. Siya mismo yung sumakay sa saksakyan ng biktima and napaka-importante na na-identify siya dahil siya mismo yung kasama nung mga sumaksak sa biktima," sabi ni PMajor Dexter Domingo.

Panoorin ang video sa ibaba:


***
Source: GMA News Online

No comments:

Post a Comment