Tuesday, July 28, 2020

Jennylyn Mercado sa gobyerno: Hindi sila kailangan purihin, trabaho nila yan

Sunod-sunod ang pagbatikos ng GMA aktres na si Jennylyn Mercado kay Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa natapos nitong State of the Nation Adress (SONA) kahapon, Lunes.
Jennylyn Mercado / Photo credit: GMA Network

Sa kanyang Twitter, sinabi ni Mercado na hindi raw dapat purihin ang mga ginagawa ng gobyerno para sa mamamayang Pilipino lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Aniya, obligasyon raw ng mga nasa posisyon o mga public officials ang pangalagaan at tugunan ang pangangailangan ng publiko dahil ito ang trabaho nila.



The role of the government is to promote the welfare of this country sa kahit ano mang sitwasyon,” sabi ni Mercado.

That is why any progress or positive action na nagawa nila ay hindi na kailangan bigyang puri dahil ‘yun naman talaga ang trabaho nila,” dagdag pa niya.

Dagdag pa ni Mercado, ang dapat raw pasalamatan at bigyan ng parangal ay ang mga frontliners na nagbubuwis ng buhay sa paglaban sa CoVid-19.

Ang mga tao na dapat bigyang pugay ay ang ating mga makabagong bayani. Maraming salamat sa ating mga doctors, nurses, teachers, mga sundalo, at ang iba pang mga frontliners na patuloy ang serbisyo sa ating mga Pilipino. Saludo po kami sa inyo. Maraming maraming salamat,” sabi ni Mercardo.

Sa isa pang tweet ni Mercado, tila pang-aasar na nagtanong ito kung ano ang plano ng gobyerno matapos hikayatin ni Pangulong Duterte ang lahat ng Filipino na tumulong at makipag-cooperate sa paglaban sa COVID-19.

Sige po. Pero ano po ang plano?” tanong ni Mercado.


Kamakailan, ibinahagi ni Mercado sa publiko ang mga natutunan niya sa mga nangyayari ngayon sa bansa.

Isa sa mga realizations ko recently ay it’s never too late na ieducate ang sarili sa mga nangyayari sa bansa. Responsibilidad mo yun bilang Pilipino.”

“To speak about it is doing the bare minimum. Let’s start a conversation. Marami pa akong gustong matutunan,” tweet pa ni Mercado.


***
Source: Jennylyn Mercado | Twitter

3 comments:

  1. isa ka ding walang kwenta. kayo nga nagpapapuri at nagpa plug para kumita. Innghit kaba dika nakasam?shut up ganda lng meron ka. wala kang puso at utak. pag nagibg head ka sa isang comonya. pinupuri talaga at binigyang halaga ang mga nasasakupan. ganon yon. kaya huwag kang better. wala ka brain.

    ReplyDelete
  2. Kung maganda ang ginawa at natapos ng maayos. Bakit di dapat purihin? Ingrata!

    ReplyDelete
  3. Edi wow. Para mo na rin sinabing hindi dapat purihin ang mga magulang dahil trabaho naman nila ang alagaan ang mga anak. Hipokrita. Kung ganun naman pala logic mo, edi wag na din bigyan ng parangal ang mga estudyante after nila mag aral ng maayos kasi responsibility naman nila yun. Ganun ba ibig mong sabihin, Ms. Jen? Enebeyen

    ReplyDelete