Kean Cipriano / Photo credit: Philippine Star
Naglabas ng hinaing ang singer at lead vocalist ng bandang Callalily na si Kean Cipriano sa kumalat na larawan ng libo-libong locally stranded individual (LSI) sa Rizal Memorial Sports Stadium simula noong Biyernes.
Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Kean na Gaguhan daw ang ginagawang responde ng gobyerno sa pandemya.
“Nag lockdown at Quarantine ng ilang buwan. Hinuli mga tao na “hindi daw” sumusunod sa quarantine protocols.(Pero hindi hinuli yung mga nasa posisyon na lumabag kasi daw (VIP). Tapos di daw alarming yung dumadami na cases.”
“Tapos eto... haaay! Gaguhan 2020!” tweet ni Kean.
Nag lockdown at Quarantine ng ilang buwan.— Kean Cipriano (@keancipriano) July 25, 2020
Hinuli mga tao na “hindi daw” sumusunod sa quarantine protocols.(Pero hindi hinuli yung mga nasa posisyon na lumabag kasi daw VIP)
Tapos di daw alarming yung dumadami na cases.
Tapos eto... haaay!
Gaguhan 2020! https://t.co/mUewqyZSps
“I never felt secure. It never felt safe. Ang daming nagkakasakit. Ang daming namamatay. Ang daming nawawalan ng trabaho. Ang daming nagsasara na negosyo. Ang daming nagaaway. Ang daming kasinungalingan. Ang daming excuses.”
“Ano ba talagang plano?” sabi ni Kean sa isa pang tweet.
I never felt secure. It never felt safe.— Kean Cipriano (@keancipriano) July 26, 2020
Ang daming nagkakasakit. Ang daming namamatay. Ang daming nawawalan ng trabaho. Ang daming nagsasara na negosyo.
Ang daming nagaaway. Ang daming kasinungalingan. Ang daming excuses.
Ano ba talagang plano? #ItoAngSONAko
***
Source: Kean Cipriano | Twitter
No comments:
Post a Comment