Sunday, July 26, 2020

Direktor ibinulgar ang ginawang pagtrato ni Angel Locsin sa isang stuntman

Naging kontrobersyal ang aktres na si Angel Locsin kamakailan dahil sa sunod-sunod na pahayag niya at pagtatanggol sa ABS-CBN Network.

Sa kabila ng mabubuting nagawa at naitulong ng aktres tuwing haharap ang Pilipinas sa mga sakuna ay patuloy parin ang pagbatikos ng ilang mga netizens kay Angel.

Samantala, isang direktor ang nagpatotoo sa pagiging mabuting tao ni Angel kahit na walang nakaharap na camera.



Sa Facebook post ng direktor na si Lester Pimentel Ong, isa sa mga director ng hit series na La Luna Sangre, ikinuwento nito ang kabutihang ipinakita ni Angel sa isang stuntman na dinala sa ospital.

Ayon sa direktor, si Angel raw umano ang nagbayad sa lahat ng hospital expenses ng stuntman at nagbigay rin ng pera sa pamilya nito.

Narito ang buong post:

"Gusto ko lang share ang experience ko working with this person. There was one time, isa sa mga stuntmen namin got heavily injured, naputol ang pinakamalaking buto nya sa hita sa isang aksidente na hindi work related. Ang pobreng stuntman, naospital sa orthopaedic center ng mahigit isang buwan, ubos ang ipon at malaking chance hindi na siya makakalakad muli dahil hindi na niya afford ang mga susunod pang operation na kailangan gawin...One late night ng konti na lang tao sa public hospital kung saan nakaconfine si injured stuntman, dumating siya kasama lang ang driver niya...kinumusta si stuntman, consoled his wife and mom, then asked the person in charge of the hospital how much was the accumulated bill at magkano pa ang kakailanganin para makalakad pa ulit si stuntman. Agad nyang binayaran ang bill, nagiwan ng pabaon at encouraging words sa pamilya,then she left....

Siya si Angel Locsin, she is the real life Darna...hero sya kahit sa likod ng camera, kahit walang nakatingin at walang nakakaalam...

I just need to share my story of her..."



***

No comments:

Post a Comment