Nag-viral kamakailan ang open letter ng comedian na si Alex Calleja para sa mga trolls at bashers ng ABS-CBN Network.
Alex Callaja / Photo credit: Push
Si Alex ay isang stand-up comedian at writer ng ABS-CBN noontime show na It's Showtime.
Matapos hindi mabigyan ng bagong prangkisa ang Kapamilya Network ay tuluyan na itong hindi umere sa telebisyon.
Sa open letter ng Calleja, sinabi nitong hindi niya pipilitin na sumang-ayon sa kanyang opinyon ang mga tuwang-tuwa sa pagsasara ng ABS.
Aniya, “Sana may maidulot na magandang bunga ang pagsasara ng ABS CBN sa buhay niyo dahil sigurado ako, sampung libong tao ang maghihirap.”
Dagdag pa niya, huwag siyang problemahin ng trolls at bashers dahil may mga trabaho siya outside ABS-CBN
Sana raw ay makapag-isip-isip ang trolls at bashers na hindi ikauunlad ng mga ito ang manira ng kapwa.
Ayon kay Alex, ang pagpapasara sa ABS-CBN ay hindi sagot sa naging mga pagkukulang ng network.
Narito ang kanyang buong post:
“Maaring tuwang-tuwa kayo sa pagsasara ng ABS-CBN at karapatan niyo yan. Hindi ko na rin pipilitin na umayon kayo sa paniniwala ko tulad ng pagpilit niyo na baguhin ang paniniwala ko (pinapalipat niyo pa ako sa GMA 7).
Pero ito lang masasabi ko, ano mang mangyari, tutuloy ang buhay natin lahat, pati ikaw (yes, pati ikaw troll and bashers). Sana may maidulot na magandang bunga ang pagsasara ng ABS CBN sa buhay niyo dahil sigurado ako, sampung libong tao ang maghihirap. Binawasan ko ng isang libo kasi kaya naman ng mga artista, executives at may mga negosyong taga ABS CBN ang mabuhay ng maayos.
Pero ito lang masasabi ko, ano mang mangyari, tutuloy ang buhay natin lahat, pati ikaw (yes, pati ikaw troll and bashers). Sana may maidulot na magandang bunga ang pagsasara ng ABS CBN sa buhay niyo dahil sigurado ako, sampung libong tao ang maghihirap. Binawasan ko ng isang libo kasi kaya naman ng mga artista, executives at may mga negosyong taga ABS CBN ang mabuhay ng maayos.
Huwag mo rin akong problemahin kasi may mga trabaho ako outside ABS-CBN. May sarili akong bahay at lupa, 2 kotse, napagradute ang isang anak sa tulong ng ABS-CBN. Kayang pag-aralin ang anak sa DLSU at Colegio de San Agustin. Aircon ang bahay namin. At higit sa lahat, hindi ko kailangan ng ayuda at relief goods mula sa gobyerno. Nagbabayad ako ng malaking tax. Walang halong yabang, hindi ako mayaman pero kaya ko mabuhay ng dalawang taon na walang alisan sa bahay.
Eto ang tanong, ikaw Trolls at Bashers? Pagkatapos mapasara ang ABS-CBN, anong gagawin mo? Aasenso ka ba? Direkta ka bang makikinabang sa pagsasara ng ABS-CBN.
Habang binabasa mo ito at nakahanda na ang pangbash mong memes o script o walang sense na comment, pagkatapos mo gawin yan, tignan mo buhay mo, may pagkain ka ba sa harapan ng mesa, pambayad sa ilaw at kuryente. Pag nagsara ang ABS-CBN, tapos na ba ang personal na problema mo. Life goes on di'ba?
Kaya hinay-hinay sa pambabash at pag comment ng walang saysay. Masaya lang kayo panandalian, pero pagkatapos mo magcomment, back to reality tayo pareho. Kumusta ang buhay mo sa labas ng social media world.
Marami pong mawawalan ng trabaho. Kung may problema sa ABS-CBN, ayusin. Kapag may problema sa cellphone, minsan pinapagawa kasi mas magastos kapag bumili ng bago. Wag maghangad ng masama sa kapwa. Madami po ang mawawalan ng trabaho habang nasa pandemya. Masamang tao lang ang naghahangad ng masama sa kapwa.
O magcomment ka na."
***
Source: Kapamilya Online World
No comments:
Post a Comment