Friday, July 24, 2020

Post ng isang netizen nag-viral matapos magreklamo sa relief pack na bigay ng ABS-CBN

Viral ngayon ang Facebook post ng isang netizen matapos nitong magreklamo sa natanggap na relief pack mula sa ABS-CBN.
Photo credit: Jaspher King Matheo Soliven

Umani ng batikos ang post ni Jaspher King Matheo Soliven sa social media dahil sa caption nitong, “Thank you ABS sa isang sakong bigas na pinamigay dito sa culiat. Piro bat ganun?Noon nagsimula ang pandemic hindi kayo namigay ng ganito?Ngayon pinasara na kayo saka niyo maisipan?”
Photo credit: Jaspher King Matheo Soliven

Kinuwestiyon ni Soliven ang pagbibigay ng relief pack ng ABS-CBN ngayong hindi na sila nag-ooperate.

Ani Soliven, kumukuha lang umano ng simpatya sa mga tao ang Kapamilya Network.

May mga bumatikos kay Soliven dahil imbes na magpasalamat ito ay nagrereklamo pa umano sa natanggap na relief.

“Where are your manners and breeding. Even a kid knows how to say thank you. Ungrateful. You don’t deserve help at all,” sabi ng isang netizen.

Binigyan na nagreklamo pa mas maraming mas deserving sayo. Abot hanggang Probinsya kakapalan ng mukha mo.”

Matatandaang hindi nabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN Network dahil sa dami umano ng violations nito.

Narito ang ibang comments ng mga netizens:




***
Source: DailyPedia

1 comment:

  1. Ask ko lang Di ba and SAGIP ay ang SAGIP PARTYLIST ni Congressman RODANTE MARCOLETA (please correct me if I am wrong, ty)

    ReplyDelete