Friday, July 10, 2020

Video ng isang matandang kasambahay na pinalayas, ikinagalit ng mga netizens

Kahit na may pakiusap na si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga landlord na bigyang-konsiderasyon ang lagay ng mga nangungupahan sa kasagsagan ng pandemya, mayroon parin talagang mga matitigas ang puso at walang awa.
Screencap from Facebook

Marami na tayong nasaksihan sa social media na pinalayas ang mga nangungupahan dahil wala na umanong maipambayad ng renta. 

Samantala, isang video ang kumakalat ngayon sa Facebook tungkol sa isang matandang kasambahay na pinalayas ng kanyang amo.



Sa uploaded video ng netizen na si Fe Marie Gaviola Ronquillo, mapapanood ang isang matanda na nag-aayos ng kanyang mga gamit habang may isa pang babae na tila itinatapon palabas ang mga gamit nito.

Maririnig sa video ang isang lalaking nagsasalita at nakikipagtalo sa babaeng may-ari umano ng bahay.

Kawawa naman yung matanda,” maririnig na sabi ng lalaki.
Screencap from Facebook

Napansin naman ng babae ng kinukuhaan siya ng video kaya sumigaw ito ng “Sige, picturan niyo ako.”

Pakita ka kasi ng titulo mo hindi yung puro ka kuda,” sagot naman ng lalaki.

Hindi makatao ginagawa mo pinapalayas mo yung tao,” dagdag nito.

Nakikitira lang yan dito sagot naman ng babae.

Sa ngayon ay umabot na sa 22k reactions, 9k comments, 28k shares at 980k views ang nasabing video habang sinusulat namin ito.

Hindi pa matukoy kung kaano-ano nga ba ng babae ang matanda dahil maririnig sa video na hindi raw umano ito sinuswelduhan.

Narito ang video na kuha ng netizen:


Narito naman ang iba’t ibang komento ng mga netizens:




***

No comments:

Post a Comment