Thursday, November 5, 2020

Cristy Fermin binatikos si Kris Aquino: "Kahit magdidildil ako ng asin Kris Aquino wag ka lang makasama.

Inilabas ni Entertainment columnist Cristy Fermin ang kanyang saloobin kung bakit hindi na matutuloy ang online talk show project umano niya kasama sina Lolit Solis at Queen of all media na si Kris Aquino.
Cristy Fermin and Kris Aquino / Photo credit to the owner

Sa kanyang radio program na “Cristy Ferminute”, binatikos ng kolumnista si Kris at ang ‘power tripping’ umano nito kaya natanggal si Mr. Fu.

Ayon kay Nanay Cristy, tumanggi umanong makipagtrabaho si Kris kay Mr. Fu dahil hindi raw ito personal na kilala ng aktres at hindi raw sila magka-level.

Ayaw niyang (Kris) makasama si Mr. Fu dahil hindi daw nya kilala at hindi daw namin ka-level,” sabi ni Nanay Cristy.

Dagdag pa ni nanay Cristy, nasaktan raw si Mr. Fu sa pangmamaliit ni Kris kaya napaiyak na lamang ito. 

Ilang network na ang nilapitan mo at hindi ka tinanggap. Bakit pati ang mga proyektong individual na gagawin mo ng tulad sa amin ay hindi rin natuloy – dahil sa pagpa-power trip mo.” saad ni Nanay Cristy.

Kahit bigyan mo pa kami ng tigisang branch ng PureGold hindi naman gagawin yung proyekto kung ikaw ang kasama… magdidildil ako ng asin Kris Aquino wag ka lang makasama.” dagdag nito.

Narito ang video:


***

No comments:

Post a Comment