Monday, December 14, 2020

Girlfriend nagising na may suot ng engagement ring

Viral ang Facebook post ng lalaking sinurpresa ang kanyang girlfriend ng engagement ring habang natutulog ito.
Photo credit: Michael Mayorga

Sa post ni Michael Mayorga, inamin nitong mahirap supresahin ang girlfriend niyang si Jamilah Williams dahil alam nito ang kanyang bawat kilos. Kaya naman habang natutulog ito ay tsaka niya isinuot ang singsing sa daliri ng kasintahan.

Tagumpay naman ang plano ni Michael dahil sumagot naman si Jamilah ng matamis na “YES” sa kanyang proposal pagkagising nito.

Noong December 9 lamang ang post ni Michael at ngayon ay umabot na sa 334k reactions at 234k shares ang kanyang post.

Narito ang kanyang buong post:


Sa ibang post ni Michael, sinabi niya kung papaano siya isinalba ni Jamilah sa matinding depresy0ng kanyang pinagdaanan dahil sa sunod-sunod na pagkawala ng mga mahal niya sa buhay noong mga nagdaang taon. Doon niya napagtanto na si Jamilah na ang babaeng makakasama niya habang buhay.

***

No comments:

Post a Comment