Wednesday, December 16, 2020

Tricycle driver nagsauli ng bag na may lamang brandnew laptop at cash na 52k

Viral ngayon ang post ng netizen na si Jonamie Sebastian patungkol sa isang tricycle driver na nagsauli ng backpack na kanyang naiwan.
Photo credit: Jonamie Sebastian

Sa Facebook post ni Jonamie, sobrang nagpapasalamat siya sa tricycle driver dahil sa kabutihang puso nito. Aniya, walang nawala at hindi nabawasan ang perang nasa loob ng backpack.

Tiningnan ko  bag ko wala po talagang nawala kahit isa kaya sobrang grateful ako sa Lord na lahat na meron tau ay iniingatan nya..

Kwento ni Jonamie, kagabi pa raw siya hinihintay ng driver at buong gabi nitong hawak ang backpack dahil baka mawala raw ito.

Ang backpack ni Jonamie ay naglalaman ng brandnew laptop, cash na nagkakahalaga ng 52k, checkbook at mask.

Pinuri naman ng mga netizens ang katapatan at busilak na puso ng driver. Sa ngayon ay mayroon ng 3.7k reactions at 2.6k shares ang post ni Jonamie.
Photo credit: Jonamie Sebastian

Narito ang buong post ni Jonamie:

"Shout out ko lang po si kuya driver, sa tricycle ko pala nya naiwanan ang back pack ko na my laman brand new laptop, cash na 40k for my client at 12k na  pang bonus kay nanay, check book passbook at MASK, sobrang grateful ako kasi sabi nya kagabi pa pala nya ako inantay na balikan at buong gabi nya hawak bag ko kasi baka mawala daw.. Tiningnan ko  bag ko wala po talagang nawala kahit isa kaya sobrang grateful ako sa Lord na lahat na meron tau ay iniingatan nya.. Sa dami daming trycycle sa kanya ako nakasakay na my napakabuting puso sa kabila ng hirap ng buhay ngayun Di nya nagawang itago mga gamit ko na sana magpapagaan ng kunti ng kanyang buhay.

Salamat kuya driver.. You deserve my thanks giving prize!!! At salamat sa Lord sa katapatan ng mga pangako nya!!"

Narito ang ilang komento ng mga netizens:





***

No comments:

Post a Comment