Monday, January 18, 2021

75-anyos na lolo, nagsusumikap pa rin sa pagtitinda ng saging at mais para sa pamilya

Sa hirap na dinaranas natin ngayon sa panahon ng pandemya, kahit anong klaseng trabaho siguro ay papasukin natin basta ito ay marangal at hindi iligal. Basta para sa pamilya, kaya nating magtiis at magsakripisyo.
Photo credit: Karen Juliano-Jimenez

Katulad na lamang ng isang 75-years old na lolo na matiyagang naglalako ng nilagang saging sa Barangay Pembo, Makati City.

Sa viral photo na in-upload ng netizen na si Karen Juliano-Jimenez, mahigit isang dekada o sampung taon na raw nagtitinda si lolo.

Hindi raw ito tumitigil sa pagtitinda kahit na umuulan o kahit mayroong pandemya.

Makikita sa larawan na tanging panyo o tuwalya lamang ang gamit nitong pantakip sa kanyang ulo upang maging proteksyon sa ulan at naisipan lamang niyang sumilong para hindi tuluyang mabasa.
Photo credit: Karen Juliano-Jimenez
Photo credit: Karen Juliano-Jimenez

Pakiusap ng netizen na matulungan si lolo at sana raw kung may makakita sa kanya ay bumili ng kanyang paninda upang mabilis itong maubos at makauwi na.

Narito ang buong post ni Karen:

"75 yrs old na si tatay pero hindi tumitigil magtrabaho para sa pamilya. Kahit umuulan at may pandemya, tuloy ang paglalako nya.
Photo credit: Karen Juliano-Jimenez

Simula 2010 ata nung una ko nakita si tatay sa staffhouse nagbebenta ng nilagang saging at mais. Pls kung makita nyo sya dito around sa Pembo, bili kau ng paninda nya. Para makauwi sya agad at makapahinga.

May God bless and keep you safe always tatay."


***

No comments:

Post a Comment