Monday, January 18, 2021

Ano ang hyperacidity at paano ito maiiwasan?

 
Photo credit to the owner

Matinding pananakit ng sikmura ang nararamdaman ng taong hyperacid. 

Sa isang video ng programang “Pinoy MD”, (mapapanood sa ibaba) ipapaliwang ang mga sintomas at kung papaano ito maiiwasan.

Ayon sa 44-anyos na si Elsa San Gabriel, nararamdaman na niya ang hyperacidity noong nag-aaral siya sa kolehiyo.

Noong siya ay naging OFW ay mas lalo raw lumubha ang kanyang karamdaman dahil may mga pagkakataon na nalilipasan siya ng gutom.
Photo credit to the owner

Dagdag pa niya, ilan umano sa mga palatandaan na aatakihin na siya ng hyperacidity ay nagsisimula sa pangangasim ng sikmura, makararamdam ng tila paglalaway  at parang may umiikot sa sikmura.

Kapag naramdaman na raw niya ito, naghahanap siya ng kendi o biscuits na pampalaman lang ng tiyan. 

Pero kung hindi nawala ang pananakit, kailangan na niyang uminom ng gamot.

Ipinaliwanag naman ng isang gastroenterologist ang tungkol sa hyperacidity at ano ang mga puwedeng gawin para maiwasan ang naturang karamdaman. 

Panoorin ang video sa ibaba:




***

No comments:

Post a Comment