Ang mga lolo at lola ay talaga namang mahal na mahal ang kanilang mga apo. Kaya naman minsan ay tila mas malapit pa ang mga ito kaysa sa magulang ng kanilang mga apo.
Sila ang madalas nag-aalaga sa kanilang mga apo kapag nasa trabaho ang mga magulang ng bata.
Samantala, isang lolo mura sa Tacurong City, Mindanao, ang hinahangaan at pinupuri ngayon ng mga netizens dahil sa kanyang pagiging mapagmahal sa apo.
Sa Facebook post ng page na “DepEd Tayo soccsksargen”, ibinahagi nito ang 93 years old na si Lolo Bonifacio “Boning” Gedaya Santoloja Sr., na nagagawa pang turuan sa pag-aaral ang kanyang mga apo gamit ang isang magnifying glass.
Lolo Boning at mga apo / Photo credit: DepEd Tayo soccsksargen
Lolo Boning at mga apo / Photo credit: DepEd Tayo soccsksargen
Ayon sa post, isa raw treasurer sa Office of Senior Citizen (OSCA) si lolo Boning. Ang mas nakakahanga pa rito ay hindi raw tumatanggap ng sahod si lolo dahil ayon sa kanya, “labor of love” daw ang kanyang pagsisilbi sa kanilang lugar.
Tuwing tapos na ang mga gawain ni lolo Boning ay agad nitong tinatawag ang kanyang mga apo upang tulungan silang sagutan ang mga modules.
“Gamit ang magnifying glass ay isa isang binabasa ni Lolo Boning ang mga modyul upang ipaliwanag sa mga apo ang nilalaman nito,” ayon sa post.
Basahin ang buong post sa ibaba:
“TEACHER LOLO NG TACURONG CITY!
Kilalanin si Lolo Bonifacio “Boning” Gedaya Santolaja Sr ng Tacurong City, ninety-three years old (93) isang teacher Lolo.
Lolo Boning at mga apo / Photo credit: DepEd Tayo soccsksargen
Lolo Boning at mga apo / Photo credit: DepEd Tayo soccsksargen
Si Lolo Boning ay treasurer sa Office of Senior Citizen (OSCA) sa Tacurong at hindi siya tumatanggap ng sahod dahil para sa kanya ito ay “labor of love”. Tuwing magkaka panahon ito, o matapos niya ang kanyang mga gawain ay agad nitong tinatawag ang kanyang mga apo upang sagutin ang kanilang mga modyul.
Gamit ang magnifying glass ay isa isang binabasa ni Lolo Boning ang mga modyul upang ipaliwanag sa mga apo ang nilalaman nito. Sa karagdagan, si Lolo ay dating cashier ng isang malaking kooperatiba sa rehiyon, at noong siya ay nasa kolehiyo ay kumuha ng accounting, at nakakamangha sapagkat mga accounting subjects ang kanyang nakahiligan, na siya namang iniiwasan ng iilan. Hindi man siya nakapagtapos ng kolehiyo ay nagawa parin nyang mapagtapos ang kanyang mga anak.
Ngayon hindi pa nagtatapos ang kanyang misyon, dahil ang kanyang mga apo naman ang kanyang pinagtutuunan ng pansin.
Isa kang dakila Lolo Boning, pinatunayan mong ang edad ay hindi hadlang upang magturo.”
Narito ang ilang komento mula sa mga netizens:
***
No comments:
Post a Comment