Thursday, January 14, 2021

Magnanakaw tinanggihan ang perang ibinibigay ng matanda; hinalikan sa noo upang kumalma

Dahil sa modernong teknolohiya na mayroon tayo ngayon katulad ng mga cellphones at CCTV cameras, mas madali nang malutas ang mga krimén at makilala ang mga taong sangkot dito.
Photo credit: Good Times

Ngunit hindi lamang panghuli ng mga kriminål ang nagagawa ng CCTV, minsan ay nakukunan din nito ang mga aksidénte at hindi inaasahang mga pangyayari.

Katulad na lamang ng isang pangyayari sa bansang Brazil kung saan nakuhaan ng CCTV ang isang magnanakaw na may kakaibang ginawa.

Ayon sa video, makikita ang dalawang lalaki habang ginagawa ang kanilang pagnanakaw.

Habang ang isang lalaki ay abala sa pagkuha ng pera at pagkapkap sa may-ari ng pharmacy, ang isang lalaki naman ay nakatayo lamang habang may hawak na baril.
Photo credit: Good Times
Photo credit: Good Times

Makikita rin sa video ang isang matandang babae na nakatayo at tila hindi malaman kung anong gagawin hanggang sa lumapit ito sa isang lalaki at inaabot ang kanyang pera.

Ang nakakagulat na pangyayari habang iniaabot ng matanda ang pera, imbes na kunin ito ay hinalikan siya sa noo ng lalaking nakatayo at sinabing,
Photo credit: Good Times
Photo credit: Good Times

No, ma’am, you can be quiet, I don’t want your money.”

Nangyari umano ang insidenté noong Oktubre 15.

Ayon sa Good Times, kinilala ang may-ari ng pharmacy na si Samuel Almeida. Kwento nito, gusto lamang daw kunin ng mga magnanakaw ang lahat ng pera.

Natangay ng dalawang magnanakaw ang $240 at ilang mga gamit.

Mabilis na kumalat sa social media ang kuha sa CCTV. Hanggang sa ngayon ay hindi parin daw naaarest0 ang dalawang salarin.

Panoorin ang buong video sa ibaba:


***
Source: Good Times

No comments:

Post a Comment