Thursday, January 14, 2021

Dahil nagkakilala online, mag-asawa pinangalanan ang mga anak ng dot com

Ang pagpili ng pangalan para sa mga anak ay talaga namang mahirap at dapat pag-isipan ng mabuti.
Photo credit: Tribune News

May mga magulang na ipinangalan ang kanilang mga anak sa paborito nilang personalidad, katulad ng mga singer, artista at iba pa. Ang ilan naman ay gusto ng unique o kakaiba. 

Minsan ay pinaghalong pangalan nina mister at misis ang napipiling pangalan para sa kanilang anak.

Katulad na lamang ng mag-asawa mula sa bansang Indonesia na pinangalanan ang kanilang mga anak ng dot com.

Nagkakilala ang mga asawa sa isang chatting platform na Alamak.com noong 1999. Kahit na sa pamamagitan ng online lamang sila nagkakilala ay na-inlove sila sa isa’t isa at nagpakasal.

At dahil sa online nga sila nagkakilala ay naisip ng mag-asawa na ilagay sa pangalan ng kanilang mga anak ang dot com para bigyang alaala ang kanilang love story.
Photo credit: Tribune News

Kaya pinangalanan nila ang kanilang mga anak ng Salsabila Shofwah Alamak Dot Com, Mustaghfirin Nazhmi Ramdhan Dot Com, at Daffa Fawwaz Robbani Dot Com.

Samantala, kahit na unique ang pangalan ng kanilang mga anak, hindi raw ito nagustuhan ng mga bata noong sila ay maliliit pa lamang. 

Marahil ay tinutukso o ginagawang katatawanan ito ng kanilang mga kalaro o kaibigan.

Subalit nang sila ay medyo lumaki na ay nasanay na rin ang magkakapatid at naging proud sa ibinigay na pangalan ng kanilang mga magulang.

My parents shared, that they met on social media using a chatting platfrom Alamak.com in 1999. At first when I was younger, I felt ashamed to use my name but as I grew, my name became something to be proud of,” sabi ni Ramdhan Dot Com.
Photo credit: Tribune News

Ano nga ba ang ibig sabihin ng dot com?

Ang Dot Com o dotcom ay galing sa salitang “.com” na ginagamit sa dulo ng mga Uniform Resource Locator (URL) ng mga websites. Ang “com” ay mula sa salitang commercial dahil ang mga unang gumamit ng .com ay mga businesses.

Sa ngayon ay marami ng URL ang ginagamit lalong lalo na para sa mga non-commercial websites katulad. Ang mga halimbawa nito ay ang mga .org, .info, .net at iba pa.


***
Source: Rachfeed

No comments:

Post a Comment