Sa panahon ngayon, karamihan sa atin ay naisasapubliko na ang kanilang mga buhay gamit ang social media ng hindi natin namamalayan. Mula sa mga outings at gatherings, bagong biling cellphone, bagong negosyo o kung ano pa man. Para siyempre maihayag at maipagmalaki ang bagong kaganapan sa buhay natin.
Minsan nga pati mga emosyon ay naipo-post na din sa social media. Para lang makahanap ng karamay.
[Image credit Pexels]
Pero alam mo ba na kaakibat ng lahat ng ito ay ang paglipana ng mga kritiko? Ang mga bashers o haters ay hindi naiiwasang mag komento sa mga bagay na hindi nila gusto. Dapat mong tandaan na hindi lang para maging koleksyon ng mga magaganda at masasayang alaala ang mga social media accounts mo. Ito rin ay nagsisilbing daan ng mga taong sumusubaybay sayo.
Kung ikaw ang tipo ng tao na mahilig idokumento ang magagandang kaganapan sa iyong buhay. Mabuti nang maging handa ka rin sa mga taong may masasabi sayo na maaaring hindi maganda. Ito ang limang kapaki-pakinabang na pamamaraan kung papaano sila pakikitunguhan.
1. "Konteksto ng mga komento" - May mga reaksyon na talaga namang nakakapanginig ng laman pero meron din namang nakakagana o nakakasigla. Kailangan mo lang intindihin ang bawat komento, dahil minsan merong pumupuna para matuto ka.
[Image credit Pexels]
2. "Walang personalan" - Ito ay naaangkop sa mga taong hindi ka lubusang kilala. Kapag alam mong ang basher mo ay wala naman talagang alam, ay wag mo ng pagaksayahan ng oras. Hayaan mo lang siya, hindi niya naman alam ang buong istorya.
3. "Be better" - May mga basher talagang hindi makatao. Pero kailangan mo ding pagisipan ang mga isinasa publiko mo gamit ang iyong social media account. Maging responsable din sa iyong pagpo-post minsan para ang pang babatikos ay mabawasan.
4. "Huwag maging patola" - Tao ka lang din naman. Naiinis, napipikon lalo na kung ang basher mo ay wala namang katuturan ang opinyon. Pero kung hindi mo mapigilan ang pumatol, limitahan mo lang ang iyong sarili at huwag bumaba ng sagad sa lebel ng basher mo.
[Image credit Pexels]
5. "UNFOLLOW" - HIndi mo mapipigilan ang ugali ng iba, pero kaya mo naman itong kontrolin. Kung madalas kang makakuha ng negatibong komento. May kapangyarihan kang alisin sa buhay mo ang mga iyan. Kung ang ugali nila ay mang batikos, i-unfollow mo na.
Ang mga basher at hater ay nandiyan lang at palaging may masasabi o pupunahin ang sa tingin nila ay hindi kanais-nais. Pero sa huli, ikaw parin ang may karapatan, malaya kang magpahayag ng iyong saloobin at nasa sayo rin kung anong mga litrato ang gusto mong isapubliko.
Bilang tao, masakit ang mabatikos. Ngunit hahayaan mo na lang ba ang mga itong maapektuhan ang pagkatao mo. Lagi mong tatandaan na ang pikon ay laging talo. Kapag pinatulan mo sila ay halos wala ka na ring pinagkaiba sa kanila.
Kaya kapag na "bash" ka, sundin mo lang ang mga nabanggit sa itaas at hayaan mo na lang na karma ang mag "like" sa pambabatikos nila.
[Image credit Pexels]
Source : TODAY with CHRIS
No comments:
Post a Comment