Ang SM Mall o ShoeMart Mall ay kilala sa pagkakaroon ng iba’t-ibang establishimento sa loob nito. Ito ay paboritong pasyalan ng magkakaibigan, magkasintahan at ng buong pamilya.
Image mula sa Google
Si Henry Sy na isang Filipino-Chinese ang negosyanteng may-ari ng mga SM Malls. Siya ang direktor ng SM Prime Holdings Inc.
Ngunit ang nakakapagtaka ay sa dinami-dami ng SM sa buong bansa ay walang makikitang kahit isang Mercury Drvgstore sa loob nito.
Ang buhay ni Henry Sy ay hindi naging madali. Marami siyang hirap na pinagdaanan. Ngunit hindi ito naging hadlang upang makamit niya ang kanyang mga pangarap.
Naging determinado si Sy na kumita ng malaking pera at isa sa mga negosyong pinasok niya ay ang pagbebenta ng sapatos.
Photo credit to the owner
Dito niya naisip na kumuha ng pwesto sa loob ng Mercury Drvgstore dahil marami umanong taong pumapasok dito. Naglakas loob siyang kausapin ang may-ari ng store upang makapagrenta siya ng kahit maliit na espasyo sa loob at doon ipwesto ang kanyang mga paninda.
Sa kasamaang palad, hindi siya pinayagan ng may ari na magtinda sa loob ng store.
Mula noon ay sinabi niya sa kanyang sarili na kapag siya ay naging matagumpay na negosyante ay hinding hindi niya makakalimutan ang ginawa sa kanya ng may-ari ng Mercury Drvgstore.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Hindi nagtagal ay unti-unti ng lumago ang kanyang negosyo.
Una nyang naipatayo ang SM Mall Quiapo noong November, 1972. Simula noon ay hindi niya pinayagan na makapasok ang Mercury Drvg Store sa mga SM Malls, bagkus Watsons ang kanyang inihalili para dito.
Isa lamang itong patunay na hindi porket ikaw ay mahirap ay lagi kang nasa ibaba, ang buhay ay parang isang gulong, minsan ikaw ay nasa ibaba at minsan naman ay nasa itaas.
***
Source: HowToCare
No comments:
Post a Comment