Kamakailan ay nag-viral at kumalat sa social media ang ginawang marahas na clearing operations ng Parañaque Task Force kung saan nakipag-agawan sila ng kariton sa isang lalaki.
Larawan mula kay Jang Monte Hernandez / Social media
Pinadapa, hinawakan ang leeg, pati ang mga paa, ipinosas, at sinipa pa sa mukha si Warren Villanueva.
Umani rin ng sari-saring reaksiyon sa social media ang pag-aresto kay Villanueva. Giit ng ilang netizen na mailap ang katarungan para sa mahihirap.
Samantala, alam naman nating lahat na hindi na bago o madami na ang ganitong nangyayaring insidente sa ating bansa. Kung saan tila walang puso at walang konsiderasyon ang mga taong nasa posisyon.
Kaya naman sa aming pananaliksik ay nahanap namin ang isang post ng netizen na si Jang Monte Hernandez patungkol sa ginawang clearing operations ng mga taga Quezon City noong 2019.
Sa kanyang post noong October 29, in-upload ni Hernandez ang mga larawan kung saan makikitang kinukumpiska ng mga taga Quezon City, Market Development And Administration Department o (QC MDAD) ang mga paninda ng isang vendor ng fishball.
Ayon kay Hernandez, pinagtulungan umanong kumpiskahin ng mga taga QC MDAD ang mga paninda ng vendor kaya nagkalaglagan ang mga ito.
Tinulungan din ng isa pang vendor ang kapwa vendor na damputin at iligpit ang mga balot ng fishball at kikiam na kanilang pwedeng isalba.
Dagdag ni Hernandez, ang mga panindang nakuha sa vendor ay aabot sa mahigit isang libo, hindi pa kasama ang halaga ng kanyang kariton.
Larawan mula kay Jang Monte Hernandez.
Larawan mula kay Jang Monte Hernandez.
Ayon naman sa vendor ng fishball, wala pa siyang kakilalang kapwa vendor na nakapagtubos ng mga nakumpiskang gamit at paninda.
Hindi naman maiwasang mainis at magtanong ni Hernandez sa kanyang post, tanong niya, “BAKIT ANG LUPIT LUPIT NG GUBYERNO SA MGA MARALITANG MANININDA??!!”
Umabot na sa 18k reactions at 15k shares ang post na ito ni Hernandez.
Umabot na sa 18k reactions at 15k shares ang post na ito ni Hernandez.
Narito ang buong post ni Hernandez:
“Kaninang umaga.
Pinagtulungan ng QC MDAD ang isang manininda ng fishball. Kinukumpiska ang kanyang paninda. Nagkandalaglagan na ang mga paninda.
Tinulungan sya ng isang kapwa vendor na damputin at iligpit ang mga balot ng fishball at kikiam, pati na ang mga gumulong na galon ng suka, sawsawan at mantika.
Larawan mula kay Jang Monte Hernandez.
Hinabol pa sana niya ang sasakyan ng city hall sa pagmamakaawang maibalik ang paninda, kariton at lutuan.
Sabi niya may mga panindang aabot pa sa mahigit isang libo ang nabitbit ng MDAD. Hindi pa kasama sa kompyutasyon ang halaga ng kariton.
Wala pa raw siyang kakilalang kapwa vendor na nakapagtubos ng kagamitan at paninda.
Photo credit: Jang Monte Hernandez
Narito naman ang iba't ibang komento ng mga netizen:
***
Source: Jang Monte Hernandez | Facebook
No comments:
Post a Comment