Wednesday, January 6, 2021

Bata nabulag matapos mabagsakan ng jelusi mula sa tumalong pusa, ama nananawagan ng tulong

Nanawagan ng tulong sa mga netizens ang isang ama matapos mabagsakan ng jelusi ang mata ng kanyang anak dahil sa tumalong pusa.
Photo credit: Danilo Cataquez

Sa Facebook post ni Danilo Cataquez, sinabi nitong nakahiga lamang ang kanyang anak ng biglang tumalon ang isang pusa na naging sanhi ng pagbagsak ng jelusi.

Tinamaan ang kaliwang mata ng bata na naging sanhi ng pagkabulag nito at kinailanganing tanggalin.

Kasalukuyang nasa East Avenue Quezon City Hospital sina Danilo at kumakatok sa mga puso ng netizens.
Photo credit: Danilo Cataquez
Photo credit: Danilo Cataquez

Sa ngayon ay umabot na sa 26k reactions at 33k shares ang post ni Danilo.

Narito ang buong post ni Danilo: 

“Mgandang hapon po sa inyong lahat po. Henge po Sana ako ng tolong sa inyo. Sa anak KO po na hnde inaasahang pangyayari po, 8;15 ng gabe, January 4, araw ng lunes , ng nka hega na sa hegaan ang dalawang Kong anak beglang tumalon ang pusa sa my bentana at nalaglag ang isang perasong jelosi sa kaniyang mata, yon po ang dhilan na tanggalin ang kaliwa niyang Mata. Sana po matolongan po ninyo ako sa mura niyang edad na mwalan ng paningen. Dito po kme sa EAST AVE. QC  hospital pacncya na po kayo Kong pakapalan KO ang mukha KO. Mhal na mahal KO ang dalawang kong Anak. Mrameng salamat po.”


***

No comments:

Post a Comment