Wednesday, January 6, 2021

Mga riders na ‘prinank’ sa pamamagitan ng fake booking, nakatanggap ng supresa

Sa panahon ngayon ay marami ng delivery riders ang nabiktima ng fake bookings mula sa mga mapagsamantala at walang pusong tao. 
Photo credit: Marvin Pernia

Hindi lamang pagod at hirap ang nawawala sa mga riders kundi pati na rin ang perang kanilang ipinambili ng orders. 

Samantala, isang rider ang na-prank ng fake booking na naging blessing naman para sa kanya. 

Nakatanggap ang rider na si Raniel Miranda ng booking mula kay Evelyn Gutierrez Cabuhat.

"Pagdating ko sa pick-up point, nagulat ako nang sabihin niya na, ‘I-deliver mo ‘yan sa inyo. Sa ’yo ‘yan," saad ni Raniel.

Hindi inaasahan ng rider ang nangyari sa kanya. Magkahalong tuwa at supresa ang kanyang naramdaman. Sa dami ng katulad niyang delivery rider ay siya ang maswerteng nakatanggap ng booking.

Narito ang post ni Raniel:

"FAKE BOOKING

Nag book si Mam Evelyn Gutierrez Cabuhat sa page kanina, deliver daw from Golden City Imus to Malagasang area. Pagdating ko sa pick-up point, nagulat ako nang sabihin niya na, ‘I-deliver mo ‘yan sa inyo. Sa ’yo ‘yan.

Laking tuwa ko nang tanggapin ang maaga niyang pamasko.... Maraming salamat po sa mabuti ninyong puso. Pagpalain nawa kayo ng Diyos sa pang araw-araw na pamumuhay! Maligayang pasko po sa inyo! Maraming Salamat po. Nakakataba po kayo ng puso."

Sa dami ng istoryang ating nababalitaan patungkol sa mga delivery riders na nabibiktima ng fake booking, ang nangyari kay Raniel ay talagang ikinatuwa ng mga netizens.

Ang mas nakakahanga pa kay Evelyn ay hindi lamang pala si Raniel ang kanyang binigyan ng supresa. May iba pang riders ang nagpost ng kanilang mga larawan kasama si Evelyn matapos silang mabigyan ng pamasko.

Photo credit: Michael Lorica
Photo credit: Michael Lorica

Photo credit: Marvin Pernia
Photo credit: Marvin Pernia

Photo credit: Marvin Pernia


***

No comments:

Post a Comment