Monday, January 4, 2021

Off-duty PCG personnel, sinagip ang biktima ng isang banggaan sa kalsada sa Zamboanga City

Unang araw pa lang ng taong 2021 ay isinakatuparan na ng isang miyembro ng Philippine Coast Guard (PCG) ang sinumpaang tungkulin na maglingkod para sa kapakanan ng kapwa Pilipino.


Noong ika-01 ng Enero 2021, iniligtas ni Seaman First Class (SN1) Aljimar J Yusop ang motor rider na kinilala bilang si Noel M. Tutas, residente ng Domalinao, Zamboanga del Sur, matapos makabanggaan ang isang van sa kahabaan ng Barangay Talon-Talon, Zamboanga City.

Dahil dito, tumaob ang motorsiklo at nawalan ng malay ang biktima.


                                      [Photos courtesy of Emedia Mo]



Isa sa mga saksi si SN1 Yusop na agad rumesponde at isinagawa ang cardiopulmonary resuscitation (CPR) bilang pangunang lunas. Makalipas lamang ang ilang minuto, muling nagkamalay ang biktima na agad na dinala sa Zamboanga City Medical Hospital.


Isang karangalan sa PCG at buong bansa ang pagkakaroon ng isang SN1 Yusop na may malasakit sa kapwa at tapat na nag-lilingkod sa bayan. Nawa'y maging isa kang modelo hindi lang ng inyong hukbo kundi ng buong mamamayan.

Saludo kami sa iyong kabayanihan at pag papatupad ng iyong sinumpaang tungkulin sa bayan!


***

No comments:

Post a Comment