Kilalanin si Michael Loguitan, 21 taong gulang mula sa Benguet, Cordillera Administrative Region, Philippines. Ang kaniyang adhikain ay itaguyod ang agrikultura at pagtingin ng bawat Pilipino sa mga kagaya niyang magsasaka.
Napabalita nuon ang paglalarawan sa isang module ng DêpEd tampok ang pamilya ng magsasaka na madungïs at may hindi maayos na kasuotan.
Masasabing hindi rin pagsasaka ang gustong maging trabaho ng ilang mga kabataan ngayon. Pero ito ang isa sa nagtulak kay Michael para siya ay gumawa ng YouTube channel na magsisilbing daan para mas makilala ng mga Pilipino at masilip ang buhay ng isang magsasaka.
Gamit ang kaniyang kaalam, hangad ni Michael na maituro at maibahagi ang ibat ibang paraan ng pagtatanim. Sa pamamagitan ng paggawa ng mga video mula sa kaniyang sariling sakahan.
Nagsimula ang unang video upload ng Igorot vlogger noon lamang nakaraang taon ng Setyembre. Makikita dito ang simpleng buhay ng isang Ilokanong magsasaka at ang napakagandang tanawin, na punong puno ng mga pananim.
Bukod sa pagsasaka, pagtatanim at pagaani na bida sa kanyang mga video uploads. Itinampok din ni Michael ang kanyang simpleng paraan na maipagdiwang ang pagkakaroon ng 1 thousand subscribers.
Photo credit Kadwa Michael TV
Photo credit Kadwa Michael TV
Si Michael o "Kadwa Michael TV" sa kanyang YouTube channel ay kasalukuyang mayroong 5.22k subscribers at 34,950 views mula sa kanyang mga videos. Ang "Kadwa" ay isang salitang ilokano na ang ibig sabihin ay kasama, kasamahan o companion.
Maliban sa pagiging magsasaka, siya ay isa ring estudyante sa Benguet State University at kumukuha ng kursong bachelor's degree in Sport Exercise and Sport Science major in Fundamentals of Sports Coaching.
Photo credit Kadwa Michael TV
Isang bata ng may paniniwalang kung walang magsasaka ay walang pagkain. At hindi lang pagkakaroon ng pagkakakitaan ang dahilan ng kanyang pagsasaka, bagkus, ang pinaka mahalaga sa kaniya ay ang makapagbigay ng pagkain sa lamesa ng bawat pamilyang Pilipino.
Photo credit Kadwa Michael TV
Photo credit Kadwa Michael TV
Sana ay marami pang tumangkilik sa batang ito na ang tanging layunin ay maibahagi ang kanyang kaalaman at maipagmalaki ang kanyang pagiging Igorot at magsasaka.
Source : Kadwa Michael TV
Source : Kadwa Michael TV
No comments:
Post a Comment