Wednesday, January 13, 2021

OFW na mister, nabuntis ang kabit matapos ipagpalit si misis; Magulang ni mister kunsintidor

Isang misis ang humingi ng tulong sa programang “Raffy Tulfo in Action” patungkol sa kanyang asawa na isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa Madrid, Spain at ang kabit nito.
Allyza Joyce Sotto and Renzy Sotto / Photo credit: Raffy Tulfo in Action

Viral nanaman sa social media ang reklamo ng misis na si Alyzza Joyce Sotto matapos niyang ireklamo ang pambababae ng asawang si Renzy Sotto.

Sina Alyzza at Renzy ay merong anak na apat na taong gulang.

Ayon kay Alyzza, nagta-trabaho sa isang restaurant sa Spain ang kanyang asawa. Kaya naman laking gulat ni idol Raffy nang malaman na P5,000 lamang ang ipinapadala ng lalaki kada buwan sa kanyang misis.
Allyza Joyce Sotto / Photo credit: Raffy Tulfo in Action

Ngunit paliwanag ni Alyzza, na-operahan daw si Renzy kaya wala itong kinikita sa ngayon. Ang hindi lamang matanggap at ikinakagalit niya ay ang ginagawang panloloko ng kanyang mister.

Ani Alyzza, nabuntis pa raw ni Renzy ang kabit nito.

Ang mas masakit pa dito ay mismong mga magulang ng kanyang asawa ang kumukunsinte sa ginagawang pagtataksil ng mister. Tila kinagigiliwan pa nila ang kabit dahil naaalagaan umano nito si Renzy.

Depensa naman ni misis, paano naman niya aalagaan si mister kung magkalayo silang dalawa. 

Nagawa pa raw pagbantaan si Alyzza ng kabit ni mister na ilalabas daw ang kanyang video scåndal.

Depensa naman ni Renzy, hindi raw si Allyza ang tinutukoy ng kanyang kabit dahil wala naman raw itong binanggit na pangalan noong nagpost ito sa social media.

Kuwinento rin ni Alyzza kung paano nagsinungaling ang kanyang mister, "Ang sabi niya wala silang relayson pero kinabukasan flight na pala nila pabalik ng Madrid at buntis na yung kabit niya nun."

Sa bandang huli ng video, hindi na napigilan ni Alyzza ang umiyak at maglabas ng kanyang sama ng loob sa asawa.

"Dapat hindi mo binuntis yung kabit mo, dapat hindi ka nambabae. Wala naman akong ginawang masama sayo," saad ni Alyzza. 

Panoorin ang video sa ibaba:


***

No comments:

Post a Comment