Umani ng batikos mula sa mga netizens ang Kapamilya drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” matapos ang latest episode nito na ipinalabas noong nakaraang Sabado.
Humingi ng paumanhin ang produksyon ng MMK matapos magpahatid ng pagkadismaya ang mga kapatid nating Muslim sa paggamit nila ng sojada/sajadan o ang Muslim prayer mat sa isang eksena sa program ng bilang doormat.
Ipinost ng Facebook page na UGH ang screenshot ng nasabing eksena kung saan makikita ang aktor na si JC Alcantara na tumapak sa sojada/sajadan na nasa sahig sa harap ng pintuan.
“Respeto naman sa mga MUSLIM ginawa nyong doormat yung SOJADA ng mga Muslim na ginagamit sa pag Prayer.”
“Na curious lang ako sa sinabi ng pinsan ko about sa episode ng MMK last night, ginawa daw nilang doormat ang sajadan/prayer mat. So pinanood ko sa youtube. Totoo nga. (sad emoji) Hindi ako nagpapaka religious ah. Napansin ko lang din (sad emoji),” sabi pa nang nag-post sa FB.
Maraming netizens agad ang nag-react dito kabilang na ang nagsabing,
“The Amount of Disrespectful to this Picture. nakita po yan sa MMK, palabas nyo ho tapos po yan pong tinatapak tapak nyo po ay prayer mat po yan sa aming mga muslim. Yan po ginagamit namin sa tuwing magsisimba kami.”
@ABSCBN should hold themselves accountable for using the Muslim prayer mat as floormat on last night’s MMK. @imJCAlcantara that was your episode so perhaps you can aid the public in extracting an explanation from it bc it’s downright disrespectful.”
“I am so dissapointed at this moment! We muslim used sudjada when we are praying this is something na important samin. Its really sad na makikita mo sa isang series ng MMK that they used it as a decor lang, ang malala door mat po this is so insensitive.”
Dahil dito ay naglabas ng paumanhin ang MMK sa pamamagitan ng kanilang official social media account.
“MMK expresses deep regrets for a scene in last Saturday’s episode that may have offended its Muslim viewers.
It was an honest mistake and we offer no excuse for this lapse in production.
We thank our viewers for the feedback and promise to do better.”
***
Source: Bandera
No comments:
Post a Comment