Sunday, January 10, 2021

Lalaking sumunog sa konduktora ng bus sa Quezon City, nakilala na

Nakilala na ang lalaking sumunog sa konduktora ng isang bus noong Enero 3 na may byaheng Commonwealth Ave. Quezon City.
Photo credit: ABS-CBN

Sa ulat ng Philippine Star, sinabi ni dati umanong live-in partner ng konduktora na si Ameline Sembrana ang susp*k na si Edwin Dejos, 49, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon kay Chief Insp. Joseph del Mundo ng Quezon City BFP, nakilala nila si Dejos sa pamamagitan ng mga larawang nakuha nila sa Facebook nito. May tatlong anak din umano ang dalawa.

"Ang alam po lang po nila is love triangle iniwanan po kasi ng babae yung kanyang kinakasama tapos nalaman daw na lang na meron ng kinakasamang bago' yun ay may nanliligaw na bago yung konduktor," ani Del Mundo.

Sa ulat naman ng GMA News, una munang sinilaban ni Dejos si Sembrana bago niyang sunugin ang kanyang sarili.

Apat ang sugatang pasahero na lahat naman ay nakababa ng bus sa tulong ng driver na sugatan rin.

Ayon sa ulat ng Inquirer, nagkaroon pa ng matinding sakitan sina Dejos at Sembrana bago ilabas ng suspek ang dala nitong gasolina saka sinilaban ang dating kasintahan.


***
Source: KAMI

No comments:

Post a Comment