Sunday, January 10, 2021

Lolit Solis nakisimpatya sa ina ni Christine Dacera: "Tanggapin na lang ang nangyari"

Idinaan sa Instagram ni Entertainment columnist and talent manager Lolit Solis ang kanyang simpatya kay Mrs. Sharon Dacera, ang ina ng nasawîng flight attendant na si Christine Angelica Dacera.
Manay Lolit Solis and Christine Dacera / Photo credit to the owner

Sa kanyang Instagram account, ipinost ni Lolit ang isang larawan ni Christine kasama ang kanyang mensahe kay Mrs. Dacera.

Aniya, napakasakit umano para sa isang ina ang mamatåyan ng anak lalo na’t ililîbing ito ng hindi nalalaman kung ano ang dahilan ng pagkamåtay.

Dagdag ni Lolit, sa ngayon ay walang magagawa si Mrs. Dacera kundi tanggapin na lamang ang nangyari.

Ngunit sana raw ay magkaroon pa rin ng katarungan ang pagkamåtay ng flight attendant.

“Ang sakit sakit siguro ng nararamdaman ng mother ni Cristine Dacera, Salve. Ang sakit ng mamåtayan ng anak, at adding insult to injury ang nangyayari ngayon sa investigation ng pagkamåtay nito. Nawalan ka na ng anak, hindi mo pa alam ang tunay na dahilan ng pagkamåtay nito.

Yanig ang lahat ng unang lumabas ang balita na r*pe slåy ang naganap. Pagkatapos, lumalabas na hindi ganuon ang nangyari, at marami ng sanga sangang pangyayari ang lumalabas. Araw araw may bagong balita, may bagong dagdag na information, may mga salita o pangyayari na lalo pang nakadaragdag sa sakit ng loob ng ina ni Cristine Dacera. Påtay na si Cristine, wala ng makapagbabalik ng buhay niya.

Wala naman puwede pang gawin ang nanay niya kundi tanggapin na lang ang nangyari. Ililîbing si Cristine Dacera ng hindi parin malalaman ang katotohanan. Pero sana, magkaruon parin ng katarungan ang kamåtayan niya. Iyon na lang ang hihintayin ng mother niya, ang justice para sa kanyang namåtay na anak. Our prayers and sympathy. Peace be with you."


***

No comments:

Post a Comment