Sunday, January 10, 2021

Jollibee crew na umiiyak matapos sigawan ng customer, umani ng simpatya sa mga netizens

Sabi nga nila, “Walang madaling trabaho.” Kung gusto mong kumita ng pera kailangan ay paghirapan mo ito. Kaya naman sipag, tiyaga at pagtitiis ang kailangan.
Photo credit: Zari Frillez

Isa sa mga popular na trabaho ay ang pagiging isang service crew sa mga fastfood chains. Dahil madali lamang makapasok dito kahit na part time job lamang.

Madalas ay mga working students ang pumapasok sa ganitong uri ng hanapbuhay. Ngunit hindi madali ang pagiging service crew.

Minsan ay pagod na nga sila dahil maghapong nakatayo, nalilipasan pa ng gutom, ngunit hindi ito alam ng karamihan sa mga customers.

Ang mga katulad nilang nagtatrabaho sa food industry ay madalas sigawan, maliitin, kutyain at awayin.
Katulad na lamang ng isang service crew na napaiyak na lamang matapos umanong sigaw-sigawan ng kanyang customer.

Sa Facebook post ng netizen na Zari Frillez, Ibinahagi nito ang larawan ng babaeng crew habang tila pinupunasan ang mga luha nito. 
Photo credit: Zari Frillez
Photo credit: Zari Frillez

Ani Zari, sana raw ay malaman ang plate number ng customer na bumastos sa crew upang matauhan ang mga ito.

Sa ngayon ay umabot na sa 16k reactions at 15k shares ang post ni Zari.

Narito ang buong post:

“Shoutout sa kostomer sa drive tru ng Jollibee kumintang (Batangas) na may plate number na ••• 744 di lang namen nakuha ung letter sa plate number pero may CCTV naman ung drive thru ng Jollibee, na Sinigaw-sigawan si ateng naka duty sa drive thru na walang nagawa kundi mapaiyak at mag sumbong samen. Di nyo alam kung gaanong pagod ang ginagawa ng mga taong to sa ganitong oras at panahon para makapag trabaho ng maayos tas babastusin at mumurahin nyo lang. Sana malaman ung buong plate number nyo at matauhan kayo ng mahulasan kayo sa ginawa nyo. May kasama kapang babae jan sa sasakyan mo di kaman lang pinigilan. Nahabag talaga ako kay ate.”

Samantala, napag-alaman na isa palang working student ang babaeng service crew. 

Sa comment section ng post ni Zari, mababasa ang komento ng netizen na si Yuan Reyes.

Kaibigan umano ni Yuan ang babaeng crew. Aniya, magkasama sila sa bahay kaya alam niya ang pagod nito araw-araw.

Nagtatrabaho raw ito upang suportahan ang sarili sa pag-aaral. Halos magkasakit na rin daw ito sa pagtatrabaho.

"Napakawalang modo niyo kaibigan ko yan kasama ko sa bahay di nyo alam pagod nyan sa araw araw halos magkasakit na yan para lang masuportahan sarili nya tapos sisigaw sigawan nyo lang mga hayop kayo araw araw yang dumadaing kase lagi sya pinaduduty ng madaling araw tapos babastusin at sisigawan nyo lang mga walang modo! Self supporting yan kung di nyo alam nagtratrabaho yan ng maayos pra mabuhay sarili nya at mapag aral mga wala kayong modo malaman ko lang kung sino kayo ako mismo mumura sainyo!!!", sabi ni Yuan.

Narito ang ilang komento ng mga netizens:




Lagi nating tatandaan na hindi rason ang pagiging angat natin sa buhay upang maliitin ang mga taong mas kapos sa atin. Simple man ang kanilang hanapbuhay ngunit ito naman ay marangal at dapat ipagmalaki.

***

No comments:

Post a Comment