Sunday, January 10, 2021

Alden Richards binatikos ng mga netizens matapos tila sisihin ang biktima ng pananakit

Ang pananakit sa iyong partner o asawa ay hindi kailanman magiging tama. Hindi rin dahilan ang pagkukulang sa isa't isa upang magkasakitan lalo na kung lalaki ang gumagawa nito.
Alden Richards / Photo credit: Cosmo

Samantala, inulan ng batikos at puna mula sa mga netizens si “Pambasang Bae” Alden Richards matapos umano nitong tila sinisisi pa ang isang biktima ng pananakit.

Sa segment na “Bawal Judgmental” ng noontime show na Eat Bulaga, tinanong ni Alden ang isang contestant sa gitna ng maluha-luhang pagkukuwento niya bilang domestic vi0lence surviv0r.

Ano sa tingin mo ‘yung pagkukulang mo sa asawa mo kaya siya naging ganyan?” tanong ni Alden.

Wala naman po. Iniisip ko, baka kulang po ‘yung, sa pagkabinata po niya, parang hindi pa tapos, hindi pa po siya sawa,” sagot naman ng survivor.

Mabilis na nag-viral sa social media ang ginawang paninisi umano ni Alden sa biktîma. Anila, “maling-mali” ang tanong ng aktor dahil “victîm blaming” ito.

May nagsabi pa na “laging hilaw” ang mga tanong ni Alden sa nasabing palabas.

Panoorin ang maiksing video clip sa ibaba:
Basahin ang ilang komento ng mga netizens sa ibaba:






***

No comments:

Post a Comment