Sino o ano nga ba ang TOTGA mo?
TOTGA o “The One That Got Away” ay salitang nauso nung taong 2010 na tipikal na iniuugnay sa isang tao o bagay na dumating sa buhay mo at inaakalang mong siya na o para sayo na. Pero kalaunan ay napagtanto mo na lang na wala na ang bagay na ito o wala na siya.
Pero pag usapan natin ang “O” sa TOTGA. Hindi ang the “One” ang tinutukoy ko ha, kundi ang “O” as in opportunity na nakawala o iyong pinakawalan. Mayroon bang pagkakataon sa iyong buhay na meron kang oportunidad na tila magdudulot ng malaking pagbabago o kasaganaan na abot kamay mo na, minsan nga hawak hawak mo na eh nakawala pa?
Siguradong marami at hanggang ngayon ay nanghihinayang ka pa rin dahil sa mga ito. Napapaisip na maaaring nagbago sana ang direksyon ng iyong buhay, kung hindi mo lang hinayaang maglaho ang noo’y nasa harapan mo na.
Pero sa kabilang banda kailangan mo nga bang pagsisihan o panghinayangan si TOTGA? Hayaan mong ibahagi ko sa iyo ang ilan sa mga pamamaraan, para maibalik mo ang iyong TOTGA.
1. “ACCEPTANCE” o Pagtanggap – Tanggapin mo ng hindi na babalik o hindi kana magkakaroon ng kaparehong oportunidad na nawala sayo. Sabi nga sa wikang ingles “opportunity knocks only once” Sa oras na matanggap mo na ang mga opportunity na napalagpas mo ay hindi na babalik, ganun mo ding kadali matatanggap na may bagong magbubukas o panibagong dadating sa iyong buhay.
2. “HARDWORK and PATIENCE” – Hindi man natin maibalik ang mga nasayang na pagkakataon. Kaya naman nating magsumikap at magtiyaga at siguradong tadhana na mismo ang lalapit satin. Kailangan lang din itong samahan ng konting pagtitimpi at paghihintay.
3. “Be worthy” o maging karapatdapat – Ano nga ba ang ibig sabihin nito? Iangat mo ang sarili mo sa pamamagitan ng pagpupursigi at pagsasamantala sa mga bagay kung saan ka magaling. Araling mabuti at pagyamanin ang iyong mga kakayahan. Nang sa gayun, oportunidad na mismo ang maghabol sayo.
4. “If you can’t wait for one, MAKE one” - Simple lang, wag mo ng hintayin ang pagkakataon bagkus ikaw na mismo ang bumuo muli ng naglahong oportunidad. Bakit nga naman hindi? Dahil ang paghihintay ay walang kasiguraduhan kung kailan ito darating sa buhay mo. Kaya’t ikaw na ang gumawa at mag-kontrol ng iyong paglalakbay.
5. “Believe” – Maniwala ka na kahit ano pa ang edad mo o estado mo sa buhay ay hindi pa huli ang lahat para maabot mo ang iyong mga pangarap. Maniwala kang ikaw ay mayroong halaga at may layunin na dapat maisakatuparan. Magtiwala ka na kontrolado mo ang takbo ng iyong buhay na tila ba kaya mong dalhin ito kung saan mo man gustong makarating. Lahat ng gusto mo ay mangyayari kung maniniwala ka.
Hindi ba kapag may gusto kang hanapin hinahanap mo? Para lang itong mga naglahong oportunidad o pagkakataon. Hanapin mo at abutin. Kung hindi maarok edi gumawa ng bago, ng ibang paraan upang palaging magkaroon ng tiyansa sa buhay.
Nawa’y sa dulo ng lahat ng ito ay maabot mo lahat ng iyong mga pinapangarap at ang salitang TOTGA para sa'yo ay maging – “The Opportunity That Got Achieved”
No comments:
Post a Comment