Monday, January 25, 2021

Misis, nag-ala detective! Number 2, huling huli na nakasakay sa mismong kotse ni mister.

Huli sa akto ng misis ang panloloko ng kaniyang mister matapos nitong sundan ang sasakyan dahil lang sa ito ay, kinutuban!

Tila hindi na bago sa atin ang mga  ganitong eksena, mapa babae man o lalake ay talaga namang pag nagloko ay mahuhuli't mahuhuli. Minsan ay nakakatawa ang mga tagpong ito. Pero "kidding aside" ika nga, ito pa rin ay seryosong usapin.
Imahe mula therelatable.net

Sa Thailand, isang misis ang kinutubuan at nagkaroon ng ideya ukol sa pagloloko ng kaniyang mister. Kaya't gamit ang isang motorsiklo, agad niya itong sinundan at palihim na hinabol ang kotse ng lalaki.

Matapos ang ilang sandali ay huminto ang sasakyan at lumabas ang kaniyang asawa. Dito na nagkaroon ng pagkakataon na mas makalapit sa kotse ang misis at tumambad sa kanya ang babaeng naka damit pang sexy na di umano'y kabit ng kaniyang mister.
Imahe mula therelatable.net

Galit na galit itong pinapababa ni misis ngunit hindi tumutugon ang babae. Sino ba naman ang hindi matatakot at mahihiya kung makita mo sa iyong harapan at nagsisisigaw ang asawa ng iyong kinakasama.
Imahe mula therelatable.net

Dahil sa pagpupumilit ay nahagip ni misis ang bag ni babae at nilabas niya ang mga laman nito.

Laking gulat na lamang ng makita niya na ang laman ng bag ay iilang piraso ng c0nd0m at iba't ibang gamit o aparato na gamit sa pagtatal!k.
Imahe mula therelatable.net

Dahilan para lalong magliyab ang apoy sa dibdib ni misis kaya naman siya ay nagpakawala ng maaanghang na salita laban sa nasabing number 2.
Imahe mula therelatable.net

Dito na dumating at sinubukang awatin ng lalaki si misis. Gaya ng inaasahan, mariin nitong itinanggi ang paratang at iginiit na walang nangyayare sa kanila ng babae at isa lamang itong hindi pagkakaunawan.

Sige pa rin ang silakbo ng damdamin ni misis at tuloy pa rin naman ang pagpapalusot ng mister.

Pero hindi ito pinaniwalaan ng asawa, natapos na lamang ang tagpong ito sa isang malakas na paghampas sa sasakyan, pagiwan sa babaeng kanyang pinakasalan at lumayo kasama ang babaeng kaniyang kinababaliwan.

Dito sa Pilipinas, ang senaryo o pangyayaring ito ay matatawag nating C0ncubinage.

Ang C0ncubinage ay ang tawag sa lalaking nagtaksil sa kaniyang asawa. Kung mapapatunayan, ang hatol dito ay pagkakakul0ng ng mula anim na buwan hanggang apat na taon at dalawang buwan. Samantalang Adult*ry naman, kung babae ang magkakasala sa kaniyang mister. Ang kas0ng ito ay maaaring  mag pataw ng dalawang taon, apat na buwan at isang araw hanggang anim na taong pagkakabilangg0.

Kung magsasampa ng kas0 at magkakaroon ng sapat na ebidensiya ay tiyak na may kahahantungan ang mga taong hindi pipiliing maging tapat sa kani-kanilang mga asawa.

Kaya't lagi nating tatandaan na ang pangangaliwa ay kasalanan sa Diyos at labag sa batas. 


***

No comments:

Post a Comment