Monday, January 25, 2021

10-year-old na batang babae, påtay matapos sumali sa “blackout challenge” sa TikTok

Påtay ang isang batang babae mula sa Sicily, Italy matapos umanong sumali sa “blackout challenge” sa TikTok kung saan pipilitin ng user na i-choke ang kanyang sarili hanggang sa mawalan siya ng malay o magblackout.
Antonella Sicomero / Photo credit: 7 News

Natagpuan ang katawan ni Antonella Sicomero ng kanyang apat na taong gulang na kapatid sa kanilang paliguan kasama ang cellphone nito.

Pansamantala ng blinock ng Italy ang mga TikTok users na hindi masiguro ang tunay na edad.

Ang TikTok ay isang video-sharing network na pagmamay-ari ng Chinese company naByteDance. Ayon sa terms and conditions nito, dapat ay hindi bababa sa 13 taong gulang ang user.

Sa pahayag ng TikTok nitong Biyernes, wala raw silang makitang laman ng kanilang site na maaaring nagtulak sa bata para sumali sa naturang challenge. Pero nangako silang makikipagtulungan sa mga awtoridad.
Antonella Sicomero / Photo credit: 7 News
Antonella Sicomero / Photo credit: 7 News

"Our deepest sympathies are with the girl's family and friend."

We do not allow content that encourages, promotes, or glorifies danger0us behaviour that might lead to injury, and our teams work diligently to identify and remove content that violate out policies,” wika ng TikTok spokesman.

"While we have not currently found evidence of content on our platform that might have encouraged such incident off-platform, we will continue to monitor closely as part of our continuous commitment to keep out community safe," dagdag nito.

"We will also assist the relevant authorities with their investigation as appropriate."

Sinabi ng  Italian Data Protection Authority sa pahayag na iba-block nila ang TikTok sa Pebrero 15 kung hindi matutugunan ang mga hinihingi ng regulator.

Nagbabala naman ang mga medical experts kaugnay sa iba’t ibang challenge na tinatawag nilang “scarfîng” o “ch0king game” kung saan kakulangan ng oxygen sa utak ay nagreresulta ng pagka-high.

Ayon sa news site na ‘La Repubblica’, inamin raw ng 4-year-old na bata sa kanyang mga magulang na ang kanyang ate ay naglalaro ng “blackout game.”

Antonella was playing the game of asphyxiation,” ayon sa ama ng bata.

"My daughter, little Antonella, who dîes because of an extreme game on TikTok, how can I accept it?"
Antonella Sicomero / Photo credit: 7 News

We didn’t know she was participating in this game. We knew that (our daughter) went on TikTok for dances, to look at videos. How could I imagine this atrocity?” dagdag pa niya.

Ayon pa sa report, inaatake ng cardiac arrest si Antonella ng madala ito sa ospital at may nakitang marka ng sinturon sa leeg nito.

Dineklarang brain dead na si Antonella at nasa "irreversible coma." Kaya naman pinili na lamang ng kanyang mga magulang na i-donate ang mga organs nito bago tanggalin ang kanyang life support.

"In this way, Antonella will save many children," sabi ng kanyang ama.

"We chose to say yes to the donation, because our daughter would have said 'yes do it.'

"She was a generous child. And since we couldn't have her with us anymore, we felt it was right to help other children," dagdag ng ama ni Antonella.

Hanggang sa ngayon ay iniimbistigahan pa rin ang pagkamåtay ng bata.


***
Source: 7 News

No comments:

Post a Comment