Sunday, January 24, 2021

Single mom nakakamangha ang transformation matapos makatanggap ng panlalait sa pamilya ng kanyang boyfriend

Kung saan ka masaya, dun ka.” “Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo.” Ilan lamang yan sa mga kasabihan na ating kinalakihan.
Photo credit: Good Times

Sabi pa ng iba, kung ano man ang ibinigay at ipinagkaloob na itsura sa iyo ng Diyos, dapat ay makuntento ka. Subalit may mga nagsasabi rin na walang masama sa pagpapaganda o pagpapabago ng itsura kung ito naman ang ikasasaya mo.

Karamihan sa mga tao, ang una nilang napapansin ay ang panlabas na kaanyuan. Hindi rin maiwasan na may mga taong mapanlait at masama ang ugali.

Dahil dito ay marami ang bumababa ang self confidence at minsan ay nagkakaroon ng depresy0n. Ang ilan na nasa ganitong sitwasyon ay nakagagawa ng paraan upang lumaban.

Ito ang naranasan ng isang single mother mula sa bansang Vietnam. Mismong pamilya pa ng kanyang kasintahan ang nanlalait sa kanya. 
Photo credit: Good Times
Photo credit: Good Times

Ang single mom na si Huyen, 28, mula sa Ho Chi Minh, Vietnam ay nakatatanggap na ng panlalait mula pa noong kabataan niya. Ngunit isang insidente ang talagang nagtulak sa kanya upang baguhin ang sarili.

Si Huyen ay kasalukuyanng engaged sa kanyang boyfriend. Mayroon na silang anak at nagsasama na sila sa iisang bubong.

Ayon sa article ng “Good Times”, ang mga magulang ng kanyang boyfriend ay kinumbinsi ang kanilang anak na huwag ng ituloy ang kasal dahil pangit raw si Huyen at hindi ito bagay sa kanilang anak. 

Dahil hindi magkasundo, iniwan si Huyen ng kanyang boyfriend.
Photo credit: Good Times
Photo credit: Good Times

Dito na nasagad ang pasensiya na Huyen. Nagsimula siyang mag-ipon ng pera upang magpa-plastic surgery. 

Ibinuhos ni Huyen ang kanyang oras sa pagtatrabaho. Ang kanyang anak ay iniwan niya sa kanyang mga magulang at umuuwi siya tuwing weekends.

Matapos ang tatlong taon, nakaipon si Huyen ng 100,000,000 dongs (approximately Php 224,579).

Since I wasn’t in the best financial situation, I had to start working without much rest after the surgeries,” sabi ni Huyen.
Photo credit: Good Times
Photo credit: Good Times
Photo credit: Good Times
Photo credit: Good Times

On the third day after my chest augmentation procedure, I had to endure the pain and go to work. That was the most painful time in my life,” dagdag niya.

Ang kanyang ex-boyfriend umano ay “speechless” nang magkasalubong sila.

Ngayon ay confident na si Huyen sa kanyang itsura at marami siyang natatanggap na papuri mula sa ibang tao. Nakatulong rin ito sa kanyang career. 


***
Source: Good Times

No comments:

Post a Comment